Tempo

Tanggap Ayaw paawat

-

INA Julia Barretto at Joshua Garcia kaya ang peg nina Maris Racal at Inigo Pascual? May tsika kasing diumano’y sobrang PDA (Public Display of Affection) nina Maris at Inigo noong nag-show sila sa US with Piolo Pascual.

Super sweet daw sila na tipong walang pakialam sa mga nakakakita sa kanila. Ganyan din sina Julia at Joshua na hindi maawat sa kanilang PDA. Pinagsabih­an na nga sila ng mommy ni Julia na si Marjorie Barretto na hinayhinay naman sila sa kanilang PDA.

Hindi rin nalalayo sa kasweetan sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte. Sa mga post nila sa socmed ng kanilang photos, kulang na lang ay langgamin sila sa sobrang sweet nila sa isa’t isa.

Break na

Sa isang interbyu, inamin na ni Sammie Rimando, GirlTrends member, na break na sila ni Arjo Atayde. Mutual decision daw nila ‘yun para makapag-focus siya sa kanyang career.

Ayon sa ilang netizens, bahagi kasi si Sammie ng kabubukas na “PBB 8” at gusto lang niyang mag-ingay para mapag-usapan. Well, sana nga’y makatulong kay Sammie ang pagiging bahagi niya ng naturang show .

A year or so ang naging relasyon nila ni Arjo. Sa pag-amin ni Sammie na break na sila ni Arjo, aminin na rin kaya ng binata ang tunay na namamagita­n sa kanila ni Maine Mendoza? Kung may “something” sila, dapat lang siguro na si Arjo ang maunang magsalita. By the end of this month ay malalaman na ang gender ng second baby nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Walang kaso sa mag-asawa kung girl or boy ,basta normal at healthy baby ang isisilang ni Marian. Sakaling girl uli, magta-try uli ang Dantes couple para makabuo ng baby boy. Apat na anak ang gusto ni Marian na aniya, may dalawa pang chances para magka-baby boy sila ni Dingdong.

Kung all girls ang ipagkaloob sa kanila ni Lord, tanggap pa rin nila. Joke nga ni Marian, si Dingdong lang ang nagiisang boy sa pamilya nila. Kumbaga, siya ang King sa buhay nila. May Queen (Marian) na siya, may mga little princesses pa. Masaya!!!

 ??  ?? JOSHUA Garcia and Julia Barretto
JOSHUA Garcia and Julia Barretto

Newspapers in English

Newspapers from Philippines