Tempo

Dream come true for Regine

- By RUEL J. MENDOZA

NAGPAPASAL­AMAT si Regine Velasquez-Alcasid dahil ang matagal na niyang dream na makasama sa isang concert si Megastar Sharon Cuneta ay matutupad na.

Isa nga si Sharon sa special guest ni Regine sa kanyang nalalapit na concert na “Regine At The Movies” set on Nov. 17, 24 and 25 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Natuwa si Regine dahil nagawang isingit ni Sharon ang kanyang appearance sa concert kahit na may iba na itong scheduled na show.

"Abala rin kasi si Sharon. Meron din pala siyang ibang gagawin, pero she said yes naman. Kaya mapapanood natin siya sa concert and I feel so happy kasi first time itong mangyayari," ngiti pa ni Regine.

Inamin ni Regine na isa siyang die-hard Sharonian at lahat ng mga pelikula nito ay pinapanood niya. Kahit na mga songs ni Shawie ay alam lahat ni Regine.

"Matagal ko nang gustong makasama si Sharon sa isang concert, pero hindi nga natutuloy kasi parang ang hirap gawin because nasa magkaiba kaming networks.

"Ngayon that I am with ABS-CBN na, mas madali na. Kumbaga may access na. Magkakaroo­n na ng katuparan ang long-time dream ko na makasama ang Megastar sa isang concert," diin pa ni Regine.

Isa si Sharon sa nagparamda­m ng mainit na pag-welcome kay Regine bilang bagong Kapamilya.

Isa rin si Sharon sa nagtanggol kay Regine at sa mister nito na si Ogie Alcasid noong sunud-sunod ang bashing sa kanila on social media.

“Masarap isipin na may mga kaibigan kami na handang ipagtanggo­l kami sa mga bashers," pagtapos pa ni Regine.

 ??  ?? REGINE Velasquez-Alcasid
REGINE Velasquez-Alcasid

Newspapers in English

Newspapers from Philippines