Tempo

Umihi, tumalon para hindi mabuntis

- Rica Cruz

Hi Ms. Rica, Avid reader po ako ng column ninyo dahil madami po akong natututuna­n. Tanong ko lang po, pwede po bang mabuntis kung hindi lahat ng sperm ay naipasok. Kasi po after sex, umihi po siya at tumalon-talon, pero meron pa rin pong nakapasok. Puwede po ba siyang mabuntis? JumpMan

Hello JumpMan,

Maraming salamat sa pagbabasa ng column.

Natutuwa ako at madami kang natututuna­n tungkol sa sex sa pamamagita­n ng pagbabasa ng column ko.

To answer your question, puwedeng mabuntis ang babae kahit hindi lahat ng sperm ay naipasok sa kanya. Hindi totoo na nakaka-avoid ng pagiging buntis ang pagihi o pagtalon pagkatapos ng sexy time.

Basta’t may sperm na pumasok sa vagina ng babae ay may chance na mabuntis ito. Bakit? Though it takes five minutes for a sperm to travel six hours once inside the vagina, mabilis ang paglabas nito sa katawan ng lalake (mga 45 kilometers per hour).

At bawat millileter ng iyong semen ay may lamang 100 to 200 million sperm. Sa milyon milyon na ito, iisa lang ang kailangan para mabuntis ang babae. Isa lang.

So kahit may lumabas na sperm kapag umihi at tumalon ang babae, mayroon pa ring matitira sa loob na puwedeng makafertil­ize ng egg.

Para makasigura­dong hindi siya mabubuntis, baka mas makakabubu­ting gumamit kayo ng birth-control. Puwedeng condom, puwedeng pills, puwedeng injectible­s, pwedeng IUD.

Madaming pang ibang paraan para mapigilan ang pagbubunti­s and at the same time, nakakapag-sexy time pa rin kayo at na-eenjoy ang isa’t isa. Kung gusto mo ng tulong, puwede kayo pumunta sa health center at makakakuha kayo ng impormasyo­n doon. Good luck!

With Love and Lust, Rica

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www. facebook.com/TheSexyMin­d or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologi­st, Marriage Counselor, and, Sex and Relationsh­ips Therapist. She comes out as the Resident Psychologi­st on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines