Tempo

Super dad

-

HANDS-ON dad si Paolo Contis sa love child nila ni LJ Reyes. Walang yaya si Baby Ayanna Summer na silang dalawa talaga ni LJ ang nag-aalaga, ayon kay Paolo nang nakausap namin sa mediacon ng “Hiram na Anak.”

Nagpapalit siya ng diaper, nagpapalig­o,nagpupuyat para sa kanilang baby, ayon pa kay Paolo. Salitan sila ni LJ sa pag-aalaga.

Hindi naman daw nagseselos si Aki, anak ni LJ kay Paulo Avelino. Mahal na mahal nito ang baby sister. May dalawang anak na babae rin si Paolo sa ex-wife niyang si Lian Paz na naka-base sa Cebu with her new family.

Ayon kay Paolo, inaayos na nila ang legal separation nila ni Lian. “Moving naman ang proseso. Ayokong mag-suffer ang mga anak namin sa pagkakamal­i ng parents nila,” saad ni Paolo.

Kontrabida role si Paolo sa “Hiram na Anak,” na aniya, sobrang sama ng karakter niya bilang Benjo. Nananakit at nambubugbo­g siya ng asawa (Empress Shuck) at may kabit pa, si Lauren Young. Pareho niyang mahal ang mga ito sa magkaibang level.

Palpak?

Nag-taping na raw si Angel Locsin sa “The General’s Daughter” matapos siyang mag-walk-out last week. Ayon sa isang source, hindi naman daw isyu ‘yung palamura at palasigaw ang direktor nitong si Manny Palo. Diumano, naimbiyern­a si Angel sa production staff at incharge sa wardrobe dahil palpak daw ang mga costume niya. Sabi ng isang talent manager, sana raw ay kinausap na lang ni Angel ang production staff at in-charge sa wardrobe. Hindi raw siya dapat nag-walk-out.

May tsika ring diumano, naimbiyern­a si Angel sa paulit-ulit na take ng bawat eksena. Kadalasan din daw ay wala silang script.

Magkabalik­an kaya?

Bagong pasok na karakter sa “My Special Tatay” si Martin del Rosario. Gumaganap siya bilang Gardo, ex-husband ni Aubrey (Rita Daniela). Magkabalik­an kaya sila?

Aminin man o hindi ni Rita, career-wise, malaki ang naitulong na bahagi siya ng “My Special Tatay.” Nakuha niya ang atensiyon ng viewers sa pagganap niya bilang Aubrey. Dumami ang kanyang followers at nagustuhan ang team-up nila ni Ken Chan (Boyet) na tinawag na BoBrey.

 ??  ?? PAOLO Contis
PAOLO Contis

Newspapers in English

Newspapers from Philippines