Tempo

Nasa puso ang pageantry

- By DANTE A. LAGANA

ISANG wannabe bae from Bulacan ang nakausap ng TEMPO kamakailan. Ito ay si Joco Castro na SK Chairman ng Panginay Bulacan. Graduate siya ng Bachelor in Elementary Education. Nagturo siya for almost two years sa isang school sa Bulacan. Mahilig si Joco sumali noon ng pageant sa Bulacan. “Nagstart ako ng pageant noong elementary, mga grade VI ako, so doon na nagdire diretso ang pagpapagea­nt ko,” paglalahad ni Joco.

Naging motivation niya ang family, friends at mga kaklase lalo na raw kapag chinicheer siya ng mga ito kapag lumalaban ng pageant.

Ayon sa kanya naranasan na rin niyang matalo pero dahil daw doon lalong lumalakas ang loob niya.

Kasama sa mga napanaluna­n niyang titles ay ang 2016 Hari ng Balagtas, 2016 Hari ng Bulacan Republika at ang 2017 Ginoong Republica de Filipina.

Bata pa lang si Joco ay gusto na niyang maging artista kaso lang tinutukan daw niya ang pagaaral at dahil na rin sa layo ng Maynila hindi niya ito nabigyan ng time, pero kung bibigyan daw siya ng pagkakatao­n ngayon hindi raw niya ito palalagpas­in.

Dancing ang talent na puwedeng ishare ni Joco sa industriya bukod sa singing na puwede namang ipractice at lalo na ang akting na kanya namang daw kakayanin. Favorite niyang artista at iniidolo ay si Coco Martin. Sa kasalukuya­n, busy rin si Joco as Fitness Coach sa FJ Ftiness gym sa Guiguinto Bulacan. Sa pagmamaint­ain ng kanyang six pack abs at pagkakaroo­n ng sexy body tanging inadvise niya ay daily exercise, eating healthy food, at getting enough sleep.

 ??  ?? JOCO Castro
JOCO Castro

Newspapers in English

Newspapers from Philippines