Tempo

May bago admirer

- ROWENA AGILADA

Palaisipan sa mga netizens kung sino ang bagong guy na nagpapakil­ig ngayon kay KC Concepcion.

May nagpadala sa kanya ng bouquet of fresh white and red roses kamakailan.

Kilig-kiligan ang dalaga. Aniya, nakaka-boost ng mood ang sorpresa.

Sa mga nakaraan niyang socmed posts, nagpahiwat­ig ang dalaga na gusto na niyang mag-asawa. Ito’y dahil sa naranasan niyang pamumuhay na mag-isa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

She realized na mas masaya kung may kasama siyang nagmamahal sa kanya.

Anyway, hindi ini-reveal ni KC ang identity ng taong nagpadala ng bouquet, kaya kanya-kanyang hula ang followers niya.

Si Piolo Pascual daw ba kaya o, ang nali-link sa kanya ngayon na si Apl. de Ap?

Ayaw pa

Miguel Antonio Cruz daw ang name ng guy na nakabuntis kay Ryza Cenon.

Cinematogr­apher daw ito from Bacolod City na nakabase ngayon sa Manila. Nagkakilal­a ang dalawa June last year sa pamamagita­n ng isang kaibigan.

More than seven months silang nagligawan.

Kahit buntis na, ayaw pang magpakasal ni Ryza.

Aniya, hindi pa siya ready.

Gusto niyang mas maging matatag pa ang relasyon nila ni Miguel.

Handa na

Due to give birth this month si Max Collins sa first baby nila ni Pancho Magno.

Handang-handa na raw sila pareho sa pag-welcome sa kanilang baby boy.

Sa bahay lang mangangana­k si Max via water birthing.

Mag-a-assist si Pancho sa doktor na magpapaana­k kay Max.

May karapatan siya dahil isa siyang registered nurse.

 ??  ??
 ??  ?? KC Concepcion
KC Concepcion

Newspapers in English

Newspapers from Philippines