Tempo

Ayaw ipakita

- ROWENA AGILADA

Kahit matagal na silang magasawa, hindi kailanman nagbibihis si Heart Evangelist­a sa harap ni Chiz Escudero.

‘Yan ang pasabog niya sa isang YouTube vlog.

Aniya pa, separate ang bathroom/toilet nila and she makes sure na sarado ang pinto para hindi siya masilip ni Chiz.

Hindi rin siya nagpapakit­a kay Chiz na nagpapahid siya ng body lotion o nagpupulbo­s ng kanyang armpit.

‘Yun daw ang kabilinbil­inan ng kanyang daddy.

Ito daw ay para manatili ang kasabikan ng asawa sa kanya.

May ganun?

Anyway, kapag may tampuhan sila, either tinutuluga­n niya si Chiz o sinusulata­n niya ito ng love letters.

Hindi siya confrontat­ional wife. Walang pake

Work, family and friends ang focus ngayon ni Andrea Torres.

Mukha namang naka-move forward na siya sa break-up nila ni Derek Ramsay.

Blooming siya ngayon at mas lalong sumeksi.

Sa isang interbyu ay sinabi ni Andrea na six times a week siya mag-work out kapag wala siyang taping ng “Legal Wives.”

Kapag cheat day niya, cookies, ice cream at crispy pata ang nilalantak­an niya.

Nakakaubos daw siya ng isang buong crispy pata.

So, magka-relasyon na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Ani Derek, walang ligawang naganap.

Enjoy-enjoy lang sila sa company ng isa’t isa. Happy lang.

Sinabi rin niya ‘yun noong aminin nila ni Andrea Torres na “sila” na.

Hindi rin sila nagligawan. Nakilala na ni Derek ang mommy ni Ellen via video call.

Balak nilang pumunta ng Cebu one of these days para magkaharap ng personal si Derek at ang mommy ni Ellen.

Tanong ng netizens, hanggang kailan naman kaya tatagal ang relasyon nina Derek at Ellen? Happy lang

 ??  ??
 ??  ?? HEART Evangelist­a
HEART Evangelist­a

Newspapers in English

Newspapers from Philippines