Tempo

Kasalanan ng lubak

- ALEX CALLEJA ALEX-SYON OF THE DAY

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosoh­in kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Dahil quarantine, madalas ako magpadeliv­er ng pagkain. OK naman ang mga deliveries na mga pagkain maliban sa ibang na-order ko. Kapag umoorder kasi ako ng cake, pagdating sa bahay namin, lahat ng icing nakadikit na sa karton! Pati ang message na nakasulat sa cake, hindi na mabasa! Nagpadeliv­er ako ng halo-halo, pagdating sa amin, nakahalo na, hindi ko na nakita ang ube at leche flan sa ibabaw! Umorder ako minsan ng sisig, pagdating sa akin, nakahalo na ‘yung itlog at chicharon! At ang pinakaayaw ko kapag umoorder ako ng rice toppings! Pagdating sa bahay namin, yung toppings, nagkalat na sa ilalim! Kaya nga rice toppings, dapat nasa ibabaw ang ulam! Nakakainis tuloy kainin minsan! Ano bang dapat kong sabihin sa mga nagdedeliv­er sa amin?

Celso ng Pasay

Hi Celso,

Wala kang sasabihin sa mga delivery drivers kasi wala naman silang kasalanan! Sisihin mo ang mga lubak at humps sa lugar niyo! Malamang ‘yan ang salarin! Ikaw lumagay sa kalagayan nila, may dala kang cake tapos ilang humps at lubak ang dadaanan mo! Tapos nagmamadal­i ka dahil gusto mo mabilis ang deliv

ery! Kung maselan ka sa pagkain, ikaw mismo ang bumili ng mga pagkain nasabi mo, isakay mo sa motor! Tignan mo itsura kapag nakarating sa bahay!

Hi Alex,

Effective ba ang mga nilalagay sa ulo para tumubo ang buhok. May nakita kasi ako sa online na binibenta na Minoxidil. Ilalagay mo daw sa ulo mo at tutubo na ang buhok. Kalbo na kasi ako at gusto ko subukan at baka tubuan ulit ako ng buhok. Anong masasabi mo Kuya Alex, subukan ko ba?

Danny ng Baclaran

Hi Danny,

Kalbo ka na diba? Subukan mo, walang mawawala! Kapag effective, magkakabuh­ok ka, kapag hindi, kalbo ka pa rin! Life goes on!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcallej­a1007@yahoo.com or facebook/twitter/instagram: alexcallej­a1007.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines