Tempo

IBO-BOYKOT DAW?

- ROWENA AGILADA

Big deal sa AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang pag-ge-guest ni Arjo Atayde sa “Daddy’s Gurl” na mapapanood sa March 6. Birthday presentati­on ‘yun ni Maine who’s turning 26 on March 3.

Nagbanta ang AlDub na iboboycott nila ang show at hindi nila panonoorin. Keber ba naman ng GMA7 kung hindi sila manood.

Si Vic Sotto ang producer ng “Daddy’s Gurl” at karapatan niya kung sino ang gusto niyang i-guest.

Hindi siya puwedeng diktahan ng AlDub kung sino ang gusto nila. Trabaho lang, walang personalan.

Birthday gi na rin ni Arjo kay Maine ang guesting niya.

Hindi naman ibig sabihin ay lilipat na siya sa GMA.

Ani Arjo, forever Kapamilya siya. Muli siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

May video greeting pa si Maine na aniya, 110 % ang suporta niya kay Arjo na sobrang proud siya rito. Sinabihan pa niya ng “Love you” ang boyfie.

Thankful naman si Arjo sa ABS-CBN na pinayagan siyang mag-guest sa “Daddy’s Gurl.”

Muntik na

Sa You Tube vlog ni Enchong Dee kung saan guest niya si Arjo Atayde, sinabi ng huli na malaki ang nabago sa kanya noong na-in love siya.

Feeling daw niya, 10 years ang naging maturity niya.

Ani Arjo,it’s something surreal na hindi siya makapaniwa­la na he is with someone he truly loves. Lalo siyang na-inspire at naging better person.

Nabanggit ni Arjo na muntik na siyang mag-quit sa showbiz noong nagkaroon ng problema ang ABS-CBN sa franchise.

Totally damaged siya emotionall­y.

“I wanted to keep it to myself. I cannot do anything about it,” ani Arjo.

Kapag lumubog daw ang ABS-CBN, lulubog din siya.

 ??  ?? ARJO Atayde,Maine Mendoza
ARJO Atayde,Maine Mendoza

Newspapers in English

Newspapers from Philippines