Tempo

Nawawala ang paboritong maong pants

- ALEX CALLEJA Hi Alex,

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypant­ay! Huwag niyo nga lang seseryosoh­in kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Nawawala ang paborito kong maong na pantalon na matagal ko ng ginagamit. Apektado ako dahil bukod sa paborito ko ang maong na nawawala eh swerte rin sa akin yun. Marami na kaming pinagsamah­an ng maong na yun. Pero ang twist, nakita ko itong suot ng matalik kong kaibigan. Tinanong ko siya at sabi niya, iba raw yun at nabili niya sa ukay-ukay. Hindi ako naniniwala dahil alam kong maong ko yun dahil pati butas at pagkapudpo­d eh parehong pareho sa nawawala kong maong! Ano ang dapat kong gawin para mabawi ko ang maong na yun? Francis ng San Antonio, Makati

Hi Francis,

Alam ko ang nararamdam­an mo! Sa akin iba nga lang ang kwento. Nasunog ng nanay ko ang paborito kong pantalon habang nagpla- plantsa siya. Syempre wala na akong magawa dahil nanay ko siya eh. Pero sa problema mo, may magagawa tayo! Ganito ang gawin mo, kausapin mo ang kaibigan mo at samahan mo siya sa ukay-ukay na pinagbilha­n niya. Sabihin mo na itatanong mo sa tindera ng ukay-ukay kung talagang nabili mo yan dun. Kapag tumanggi siya, confirmed, siya ang kumuha. Kapag pumayag naman siya at napatunaya­n mo na dun niya talaga nabili yun, maghanap ka na rin ng maong na pantalon sa ukay-ukay at baka makakita ka ng kaparehas! Goodluck at sana mahanap mo ang nawawalang maong mo.

Madalas ko manuod ng TV at napansin ko, madalas na nasisira ang remote control. Kadalasan, nasisira ito kapag gusto ko na ilipat sa ibang palabas. Minsan kapag horror eh gusto ko ilipat, ayaw gumana! Kapag natapos na ang horror, saka gagana. Ano bang gagawin ko para laging gumagana ang remote

control ko?

Delia ng Sampaloc

Hi Delia,

Para gumana ang remote control, hampasin mo lang at hipan, gagana yan! Kapag ayaw pa rin, kapag nanunuod ka, dapat lagi kang may kasama, para kapag hindi gumana ang remote control mo, utusan mo ang kasama mo na siya ang maglipat. Kapag ayaw sumunod, batuhin mo ng remote control!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcallej­a1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcallej­a1007

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines