Tempo

Sino ang kasunod?

FIRST TIMER

- JUN NARDO

Umamin na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang relasyon.

Who’s next? Gerald Anderson and Julia Baretto? Bea Alonzo and Dominique Roque? Naku, aamin nga ba?

Anyway, ang inaabangan ng publiko ngayon, ang pagamin nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na balitang hiwalay na. Aamin kaya?

Baka maunahan pa sila ni Robin Padilla sa pagsasabi ng real score sa anak at asawa niya.

Papa’s girl si Kylie kaya hindi niya pababayaan ang anak sa sitwasyo niya ngayon.

Sa totoo lang, parang normal pa rin ang sitwasyon sa showbiz–buhay na buhay pa rin ang samu’t saring issues at controvers­ies!

Okay lang

Walang pagtatampo ang Starstruck winner na si Shayne Sava kahit naunahan siya ng co-“Starsruck” contestant na si Lexi Gonzales sa pagkakaroo­n ng regular series.

Sumabak na si Shayne sa unang Kapuso series na “The Legal Wives” kung saan sila ni Abdul Rahman ang magkapareh­a.

“Right timing lang siguro. E willing naman ako to wait. Kung hindi nagkaroon ng pandemic e baka nagkaroon na ako ng regular series last year,” pahayag ni Shayne sa amin.

Kay Abdul inirereto si Shayne. Kinakitaan kasi sila ng chemistry noong “Starstruck” days nila. May posibilida­d ba silang magkagustu­han? Tutal naman, magkasundo­ng-magkasundo sila?

“Wala pa po sa isipan ko ‘yan. Bata pa ako,” sagot ni Shayne.

Pero para kay Abdul, “Posible po. Ang ganda ng mata ni Shayne!”

Tungkol sa kulturang Muslim ang kuwento ng “Legal Wives” at pinagbibda­han ito ni Dennis Trillo.

 ??  ?? DEREK Ramsay and Ellen Adarna
DEREK Ramsay and Ellen Adarna

Newspapers in English

Newspapers from Philippines