Tempo

AGAW-PANSIN!

FIRST TIMER

- JUN NARDO

Stand out si Sanya Lopez sa poster ng bagong pelikulang “Playtime.”

Bukod sa front and center siya sa layout, Aba’y angat na angat din ang dibdib niya sa kuha, huh!

Pinakain nga niya ng alikabok ang equally sexy at naggaganda­hang co-stars na sina Coleen Garcia at Faye Lorenzo.

Anyway, si Xian Lim ang nagiisang leading man sa movie na mula sa panulat at direksiyon ni Mark Reyes.

Ang tanong, bakit wala si Xian sa poster? Lead star pero wala sa poster? Anyare?

May kinalaman kaya si Kim Chiu dito?

Co-production ng Viva Films at GMA Pictures ang “Playtime.”

Nagpakilig muli!

Nagpaandar muli sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nakita sila sa isang event na suot ang twinning shirt na may nakatatak na “Mahal Kita.”

Siyempre pa, kinilig ng sobra ang mga shippers nila, huh!

For sure, nabaliw ng tuluyan ang mga nangangara­p na maging sila na sa totoong buhay!

Pwes, kailangan nilang maghintay.

Ayaw pareho magsalit ng dalawa tungkol sa real score between them.

Ang gusto ni Alden ay maging pribado ang anumang namamagita­n sa kanila.

Of course! Parang mental preparatio­n ito sa mga fans no!

Kasado na ang gagawing movie ng dalawa na sa Hong Kong at Canada isu-shoot.

Naniniwala ako na hindi sila magsasalit­a at patuloy lamang na pakikiligi­n ang mga fans para pag-usapan sila hanggang sa ilabas sa mga sinehan ang movie.

By that time, kondisyon na kondisyon na ang mga tao na na panoorin ang movie sa sinehan, huh!

 ?? ?? SANYA Lopez
SANYA Lopez

Newspapers in English

Newspapers from Philippines