Tempo

2 lady robbers nabbed

- (Analou de Vera)

Arestado ang dalawang babae na nagnakaw umano sa isang 65year-old na residente ng Navotas City sa Binondo, Manila Saturday afternoon.

Kinilala ng Manila Police District ang mga suspect na sina Josephine Parolan, 37, and Perlita Flores, 41, mga residente ng Tondo, Manila.

Naglalakad ang biktimang si Patricia Mangalinda­n sa kanto ng C.M. Recto Ave. and Juan Luna St. nang mapansing nilaslas ang kanyang bag. Sinilip ng biktima ang kanyang bag at napansing nawawala ang kanyang Iphone 5s na cellphone at coin purse.

Nakita ni Mangalinda­n na hawak ni Parolan, kasama si Flores, ang kanyang cellphone at ipinasa sa kanilang kasama. Sinundan ng biktima ang mga suspect pero siya ay pinagbanta­ang sasaksakin.

Napilitang humingi ng tulong ang biktima sa mga patrolling policemen at hinabol ang mga suspect. Nacorner sina Parolan at Flores pagkatapos ng ilang minutong habulan.

Tanging ang coin purse ng biktima at isang razor blade ang narecover sa mga suspect. Kasalukuya­ng nakadetain sa MPD Station 11 ang mga suspect na hinaharap ang kasong robbery.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines