Tempo

Caretaker hacked dead

- (Anna Liza V. Alavaren)

Pinagtatag­a umano hanggang mamatay gamit ang jungle bolo ng isang constructi­on worker ang isang clinic caretaker sa Makati City noong Sabado.

Kinilala ng Makati police ang biktima na si Roger Pasilan, alias “Bonbon,” 45, walang asawa, at nakatira sa J.P. Rizal Ave., Barangay Tejeros, Makati.

Ayon sa imbestigas­yon nina homicide investigat­ors SPO2 Jason David and PO2 John Marlou Garcia, nagkaroon ng mainit na alitan ang biktima at suspect na si Ricky Gomez, 20, taga-Roxas, Isabela malapit sa barracks na tinutuluya­n ni Gomez sa AP Reyes Ave. corner Collantes St., Barangay Tejeros.

Sa gitna ng kanilang alitan, dali-daling kumuha ng jungle bolo ang suspect at pinagtatag­a ang biktima hanggang mamatay. Kinaladkad ng suspect ang labi ng biktima at itinapon sa manhole.

Nakonsensi­ya ang suspect at sumuko sa mga police pagkatapos ng insidente. Narecover sa barracks ng suspect ang ginamit na jungle bolo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines