Tempo

Klea Pineda’s biggest dream is to be a beauty queen

- By RUEL J. MENDOZA

BIG dream ni StarStruck 6 Ultimate Female Survivor Klea Pineda ang maging isang beauty queen.

Kaya pagkatapos kanyang debut ay sisimulan na niya ang training para mapaghanda­an na niya ang kanyang longtime dream.

“Gusto ko nang magtrain this year para kapag sumali na ako, buo na ako at alam ko sa sarili ko na kaya ko na. I want to join, siguro, after three or four years.

“To be a beauty queen is to inspire children to reach for their dreams. Kahit sa tingin nila imposible, ang message mo is to keep on trying hanggang sa makuha nila.

“Mas gusto kong ma-train sa Question and Answer. Ngayong 18 years old pa lang ako, kulang pa talaga ako sa experience sa mga ganyan kaya need ko talaga ‘yun.

“Gusto kong ma-experience na kapag may nagtanong sa akin, masasagot ko nang tuloy-tuloy, with confidence,” ngiti pa ni Klea.

Inspirasyo­n ni Klea ay si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na hindi nag-give up hanggang hindi ito napapanalu­nan ang Bb. Pilipinas-Universe crown at sa bandang huli ay naging Miss Universe pa.

“Noong nag-audition ako para maging artista, nareject man ako noong una, sumubok pa rin ako. And sa pangalawan­g try ko, pasok na ako.

“Kaya naniniwala talaga ako na kapag nag-fail ka sa umpisa, huwag kang mag-give up agad kasi nasa timing ‘yan ni Lord,” diin pa niya.

Ang magiging advocacy ni Klea ay ang tulungan ang maraming senior citizens.

“Malapit ako sa matatanda kasi sobrang close ako sa Lolo ko.

“Gusto kong makatulong sa Home for the Aged.

 ??  ?? KLEA Pineda (Instagram)
KLEA Pineda (Instagram)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines