Tempo

Tinangay ng alon dahil sa ‘selfie’

- (Betheena Kae Unite)

Pinaghahan­ap ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lalaking tinangay ng malalaking alon nitong Miyerkules habang diumano’y nagse-selfie sa isang resort sa Baler, Aurora.

Kinilala ng mga awtoridad ang nawawalang lalaki na si Justine Paul Delos Santos, 21.

Ayun sa kaibigan ng biktima na si Bea Malapitan, nagkukuhan­an sila ng picture sa isang mabatong parte ng AMCO Beach Resort sa Barangay Sabali, ng bigla na lang silang tangayin ng alon.

Suwerteng nakalangoy pa patungo sa pampang si Malapitan, nguni’t hindi na niya nakita ang kaibigan.

Patuloy pa ring hinahanap ng PCG-Aurora at Baler ang biktima.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines