Tempo

"IGUEL TELESERYE REPLACES !LYAS 2OBIN (OOD

- By RUEL J. MENDOZA

BIG challenge para sa BiGuel loveteam nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang pagbibidah­an nilang primetime teleserye na papalit sa malapit nang matapos na Alyas Robin Hood.

May working title pa lang ito na Santa-Santita at sa November 27 na raw ito magsisimul­a.

Ayon kay Bianca, next year pa raw ang alam niyang playdate ng teleserye nila ni Miguel. Pero nagdesisyo­n daw ang GMA management na ito ang ipalit sa magtatapos na Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.

“Malaking challenge po sa amin ni Miguel kasi yung show si Sir Dingdong Dantes ang papalitan namin.

“Noong mag-story conference kami, hindi pa namin alam kung ano ‘yung show at kung kelan ito ipapalabas, pero alam po namin na primetime siya.

“Nataon na matatapos na raw ‘yung Alyas Robin Hood, kaya doon

na kami nilagay sa slot na iyon.

“Siyempre po, kabado kami ni Miguel kasi kailangan ma-achieve namin ang magandang ratings.

“Sa tingin ko naman po, kakayanin namin. Kasi maganda po ang cast at kakaiba po ‘yung kuwento.” Ikatlong primetime teleserye na raw ito ng BiGuel loveteam. Nauna rito ang Once Upon A Kiss at sumunod ang Mulawin Vs. Ravena. Pressured din daw si Miguel dahil sa expectatio­ns ng marami sa loveteam nila ni Bianca. Pero gagawin daw nila ang lahat para makuha nila ang magandang rating sa primetime. “Nandoon po ang pressure sa amin ni Bianca talaga. “But at the same time, happy kami kasi masaya ang mga fans namin dahil nagbabalik kami sa primetime ni Bianca. “Sa tulong naman po ng mga taga-GMA at ang mga fans namin, walang imposible. “Tulungan lang po kami at good vibes lang po parati,” pagtapos pa ni Miguel. Kasama rin pala ang BiGuel loveteam sa pelikulang Barbi D’Wonder Beki kunsaan bida si Paolo Ballestero­s.

 ??  ?? MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali
MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali

Newspapers in English

Newspapers from Philippines