Pulis Leyte nagpakamatay
CAMPETIC, Palo, Leyte – Nashock ang buong kapulisan sa Leyte matapos malamang nagpakamatay ang isa nilang kabaro madaling araw kahapon.
Kinilala ni Chief Supt. Gilbert DC Cruz, Eastern Visayas Police Regional Director, ang nasawi na si SPO4 Dennis Diaz y Valle, 47.
Natagpuan ang katawan ni Valle sa loob ng inuupahang kwarto sa Meneses Boarding, Barangay 77, Tacloban City, bandang 6:05 ng umaga.
Diumano’y nagbaril si Valle gamit ang sariling service firearm.
Hinala ng mga awtoridad, nagpakamatay si Valle sanhi ng depresyon.
Hiwalay si Valle sa asawa. Diabetic din daw ito at may altapresyon.
Si Valle ay dating naka-assign sa San Isidro Municipal Police Station.