Tempo

Ellen Adarna, nanay na

- (Delia Cuaresma)

WALANG patumangga­ng binasag ni Atty. Rebo Saguisag ang maugong na haka-haka ukol sa pangangana­k diumano kamakailan ni Ellen Adarna.

Kinumpirma nito Lunes na nagsilang na nga ang 30-anyos na sexy star, dahilan kaya’t hindi ito nakakadalo sa mga hearing nila hinggil sa child abuse complaint na ifinile sa korte ng isang pribadong pamilya.

Ayon kay Saguisag, “Actually, after the hearing... na sinabi naming (na hindi siya makakapunt­a), nanganak na siya, two days after...”

Ang na-i-reschedule na hearing ay noong June 25.

Kung susuriin, base sa pahayag ni Saguisag, nailuwal ni Adarna ang kanyang sanggol noong June 27.

Taliwas ito sa mga unang reports na nanganak daw si Adarna noong June 29 sa Chong Hua Hospital kung saan pinabigyan din daw agad ang bata.

Una na itong pinabulaan­an ng aktor na si John Lloyd Cruz, ang iningungus­ong ama ng bata.

Ani Cruz sa isang social media post, “fake news” daw ito.

Anu’t anupaman, kung June 27 nga naipangana­k ang bata, pareho sila ni Cruz ng zodiac sign, Cancer. Ano kaya ang bata, boy or girl? Huling nakita in public si Cruz, June 5, habang nagshashop­ping ito ng stroller at car seat sa isang popular mall sa Cebu.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines