Tempo

Unang kotse ni Bistek, galing kay FPJ

-

HOIBOIT pala ang tawag ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. kay QC mayor Herbert Bautista. Nabasa namin ito sa kanyang biography book, “Bistek @50: Life in Full Color, The Herbert Bautista Biography.”

Pet name ito for godson. Ninong niya sa binyag si FPJ na barkada ng kanyang daddy Herminio “Butch” Bautista. Magka-tropa noon ang dalawa sa Lo’Waist Gang.

Noong nanalo si Bistek (tawag kay mayor HB) ng kauna-unahan niyang best actor award sa 10th Metro Manila Film Festival in 1984 for his role sa “Mananangga­l” episode sa pelikulang “Shake, Rattle & Roll” ay inimbita siya ni FPJ sa bahay nito sa Parañaque.

Kinongratu­leyt siya ni FPJ sabay abot ng susi ng isang brand-new Gemini car bilang regalo sa kanya sa panalo niya bilang best actor at Christmas gift na rin.

Hindi malilimuta­n ni Bistek ang payo sa kanya noon ni FPJ na huwag niyang hangarin na maging number 1. Mahirap daw dahil ang kasunod nito, either mawala ka na or mag-No. 2, 3, 4, 5 and so on.

“The most important thing to become No. 1 is the maintenanc­e to be No.1. Parang once you’ve achieved something na para sa iyo ay No. 1, never stop and still continue to strive even further,” said HB.

Romantic

Nabasa namin sa biography book ni Mayor HB na si Lea Salonga ang first showbiz crush niya. Nahiya lang siyang ligawan ito dahil natorpe siya.

Four years naman ang naging relasyon nina Mayor HB at Ruby Rodriguez. Ayon kay Ruby, romantic guy si mayor. Pag umuuwi siya ng bahay, may mga flower na sa kanyang bed.

Noong naghiwalay sila, naging friends pa rin sila hanggang ngayon kahit happily married na si Ruby sa isang non-showbiz guy.

Naging girlfriend din ni Bistek si Eula Valdes. Aniya, nagustuhan niya si Bistek dahil sa katainuhan nito kahit hindi ito pretty face.

Natorpe

Hindi nabanggit sa biography book ni Mayor HB si Regine Velasquez. Hindi lang siya nag-pursige sa panliligaw dahil natorpe na naman siya.

May mga pagkakatao­ng gusto niyang dalawin si Regine sa bahay nito sa Bulacan. Pero kapag malapit na siya, umuurong na siya. ‘Yun ang natatandaa­n naming sinasabi ni Bistek kapag nakakausap namin siya noon. Those were the days!

 ??  ?? HERBERT Bautista
HERBERT Bautista

Newspapers in English

Newspapers from Philippines