Tempo

Rhian at Andre, sila na ba?

-

ANO itong nababalita­an namin na may something’ na namumuo raw kay Andre Paras at Rhian Ramos?

Ayon sa nasagap naming balita, close na close na raw ngayon ang dalawa.

Sabi nga ng ilan kung makaasta raw ang dalawa ay tila nga mag-on na sila.

Sa naganap na GMA Thanksgivi­ng Party kamakailan, hindi raw naghiwalay ang Kapuso actors buong gabi na tila ba walang ibang tao sa paligid nila. Mayroon pa raw insidente na nagpapadul­as si Andre sa hagdan at ito namang si Rhian ay pumapalakp­ak pa sa tuwa.

Nang gabi ring iyon ay umamin si Rhian na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend nito.

May tsikang nagkapalag­ayan daw ng loob ang dalawa nang mag-guest si Andre sa cooking show ni Rhian. Minsan na rin nagguest ang sexy actress sa noontime show na kung saan isa ang anak ni Benjie Paras sa mga mainstay hosts.

Kung totoo man ang tsismis, matanda ng halos limang taon si Rhian kay Andre. Pero kiber! After all, love is not about age naman ‘di ba? ‘Yun na! (Delia Cuaresma)

 ??  ?? RHIAN Ramos
RHIAN Ramos

Newspapers in English

Newspapers from Philippines