Tempo

Tampuhan

-

MAY tampuhan na naman pala ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto. Sa isang radio interview, sinabi ni Dennis na matagal na silang hindi nag-uusap ni Julia na ang huli’y last April this year.

Hindi raw siya binati ni Julia noong nakaraang Father’s Day. Inisip na lang ni Dennis na baka sobrang busy ang anak niya.

Kamakailan ay namatay ang pamangkin ni Dennis dahil sa dengue virus. Anak ito ng kapatid niyang si Gene Padilla. Nadagdag sa tampo ni Dennis ang hindi pagdalaw ni Julia and her siblings sa burol ng kanilang pinsan.

Nang tanungin si Dennis kung may kinalaman ba si Joshua Garcia sa tampuhan nila ni Julia, “Medyo,” ang tipid niyang sagot.

Recognitio­n

Thankful ang buong cast ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” sa natanggap na Plaque of Appreciati­on mula sa Philippine Catholic HIV-AIDS Network ng Diocese of Antipolo.

Ginanap kamakailan ang “Walk the Talk: Stop the Stigma, Stop HIV” event sa Marikina Sports Center. Dumalo sina Yasmien Kurdi, Jackie Rice, Martin del Rosario, Caprice Cayetano, Seth dela Cruz at direk Neal del Rosario. Pinasalama­tan nila ang bumubuo ng naturang organisasy­on sa recognitio­n sa kanilang advocasery­e.

Ani Yasmien, hindi lang ang buong cast ng “HKKIK” ang maraming natututuna­n tungkol sa HIV-AIDS, kundi pati ang televiewer­s. Nabibigyan­g-linaw ng programa ang mga maling haka-haka o impormasyo­n tungkol sa sakit na ito.

Walang kapantay

Magkasama sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa “The Cure” at kilig-kiligan ang fans sa tender kissing scene nila. Last episode na nito on July 27 at marami pang dapat abangan na mga kaganapan.

Hindi affected si Jen sa ipinost ng ex-boyfriend niyang si Mark sa socmed na wala na siyang mahihiling pa sa girlfriend niyang si Teresita “Winwyn” Marquez.

Ang fans ang nag-react sa post ni Mark na napaka-talino, napaka-sexy, napaka-bait, napaka-talented at internatio­nal beauty queen pa si Winwyn. Wala raw kapantay ang queen ng buhay niya.

Ayon sa fans, kahit daw Reina Hispanoame­ricana si Winwyn, hindi naman daw sikat na beauty title ito.

Huwag na nating basagin ang trip ng “The Cure” star. Kung para kay Mark ay walang kapantay si Winwyn, eh ano naman?

Newspapers in English

Newspapers from Philippines