Tempo

Walang mabangong utot

- Alex Calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypant­ay! Huwag niyo nga lang seseryosoh­in kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex, Nakatira ako sa isang boarding house at madami akong kasamang mga kapwa ko college students din. Puro kami mga lalake. Nakakainis dahil iisa lang ang banyo namin. Madalas kong maiwan ang sabon ko at kapag binalikan ko, hindi ko alam kung may gumamit na iba. Pero pakiramdam ko meron. Sinubukan kong lagyan ng pangalan pero alam ko na may gumagamit kasi minsan basa at lumipis ng konti. Ano ba ang gagawin ko? Carlito ng Recto

Hi Carlito, Dapat wag mong iwan sa banyo o kaya liquid soap ang bilhin mo. Kapag liquid soap kasi at least kapag may gumamit na iba, hindi kadiri. Kasi ang bar soap, nakakadiri dahil baka may gumamit na iba at kung saansaan kinuskos! Pero kung bar soap talaga ang gamit mo eh ganito ang gawin mo. Maglagay ka ng buhok sa sabon, yung kulot! Sigurado, walang gagalaw ng sabon mo. Mga limang piraso para hindi nila hawakan!

Hi Alex, May ex-boyfriend ako na nagregalo sa akin ng isang mamahaling singsing na may malaking diamond nang kami pa. Nagkakahal­aga siya ng one hundred thousand pesos. Nalaman ko kasi binigay niya

sa akin ang resibo. Matagal na kaming nag-split dahil niloko niya ako. Third party ang reason. Naisipan kong ibenta ang singsing na regalo niya. Napahiya ako dahil peke pala ang singsing na binigay niya. Galit na galit ako sa ex ko! Paano ba naging peke ang isang alahas eh may resibo naman? Efie ng Makati

Hi Efie,

Madaming paraan para malaman kung peke ang isang alahas, ibabad mo sa suka, kapag umitim, peke, kapag yung suka ang umitim, peke ang suka. Sinabi mo na may resibo ang alahas na binigay sa’yo. OO, may resibo nga, pero malamang, yung resibo, peke rin! Move on ka na!

Hi Alex, Ang baho ng utot ko! Paano ba mapapabang­o ang utot? Ernie ng Navotas

Hi Ernie,

Walang mabangong utot. Pero kung mapapansin mo, kapag utot mo, ok lang, pero sa ibang tao, mabaho para sayo. Pero kung ikaw mismo ang nababahuan sa utot mo, ibang klase yan. Mabaho talaga yan! Iwasan mo ang kumain ng itlog. Pero kung kahit anong kainin mo at mabaho pa rin, wala na tayong magagawa. Maglagay ka ng air freshner sa puwit mo. Para kapag lumabas, masasala ang amoy.

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcallej­a1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcallej­a1007

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines