The Mindanao Examiner Regional Newspaper

HEALTH: Masakit ang Likod at Balakang:Heto ang Gagawin

- Payo ni Dr. Willie T. Ong

ANG sakit sa likod at balakang ay nararamdam­an ng halos lahat ng tao. Nag-uumpisa ito ng edad 40 pataas. Kung ika’y sobra sa timbang, may problema sa likod (tulad ng Scoliosis), o hindi nageehersi­syo, mas maaga mo itong mararamdam­an. Bakit sumasakit ang

likod? Ang kadalasang dahilan ng pagsakit sa likod ay ang muscle strain o sprain, o iyung sakit ng kalamnan. Para bang napilay ang likod. Ang sanhi nito ay ang pagkapuwer­sa sa masel sa likod dahil sa (1.) maling posisyon sa pagtulog; (2.) maling pagupo (naka-kuba); (3.) maling pagbubuhat (nakayuko kung magbuhat) o nagbuhat ng sobrang bigat; (4.) sobra sa timbang, at (5.) pagkaedad (arthritis). Ano ang gagawin? 1. Kung ika’y sobra sa timbang, kailangang magpapayat. Hindi kasi kaya ng likod mo ang bigat ng iyong tiyan!

2. Mag-ehersisyo kapag pawala na ang sakit sa likod. Napakahala­ga ng ehersisyo.

3. Palakasin ang masel sa ating likod. Magehersis­yo ng katamtaman lang. Puwedeng gumamit ng mga kaunting pabigat (weights). Kapag lumakas ang masel ng ating katawan, hindi na sasakit ang ating likod.

4. Mag-swimming o pumunta sa gym. Magandang pampalakas ng likod ang swimming. Dahan-dahan din ang pagehersis­yo sa gym.

5. Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulon­g sa isang kasama para kalahati lang ang bigat. Mag-squat at gamitin ang lakas ng hita para maiangat ang dinadala. Panatilihi­ng deretso ang likod. Huwag yumuko para magbuhat. Mali iyan!

6. Umupo ng deretso ang likod. Maglagay ng suporta (maliit na unan) sa ating upuan para laging naka-straight ang ating likod.

7. Huwag maglakad o umu¬po nang matagal. Mapapagod ang ating likod kapag nakapirmi sa isang puwesto. Ang pinakamaga­nda sa likod ay ang paghiga sa kama.

8. Pumili ng katamtaman­g kutson na tulugan. Huwag ‘yung sobrang lambot na lumulundo ang iyong likod. At huwag din matulog sa papag dahil sobrang tigas ito.

9. Matulog ng naka“s” ang katawan. Humiga ng patihaya. Mag-unan para may suporta sa ulo at leeg. Maglagay pa ng isang unan sa ilalim ng tuhod para nakataas ito. Mas komportabl­e sa likod ang nakabalukt­ot ang tuhod.

10. Kung nakatagili­d kang matulog, maglagay ng unan sa pagitan ng iyong hita. Ito ay para huwag bumaluktot masyado ang ating hita at mapuwersa ang likod.

11. Puwedeng lagyan ng medyo mainit na bagay sa ating likod (warm compress).

12. Huwag hilutin o padaganan ang likod. Baka lalo pang mapilay ito. Puwedeng magpamasah­e ng dahandahan lang para lumuwag ang masel.

Kapag hindi nawala ang sakit sa loob ng 2 linggo, magpa-konsulta sa isang rehabilita­tion medicine doctor o orthopedic surgeon. Good luck po.

 ??  ?? Dr. Willie T. Ong
Dr. Willie T. Ong

Newspapers in English

Newspapers from Philippines