Zambo naghigpit vs smuggling!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - ( Mindanao Exam iner)

ZAMBOANGA CITY – Ipiang- utos ni Mayor Beng Climaco ang mahigpit na pagbabantay sa karagatan ng Zamboanga City upang pigilan ang pag- dagsa ng mga kontrabando dito.

Kamakailan lamang ay nakumpiska ng pulisya dito ang 30 tonelada ng bigas na ipinupuslit mula sa isang lantsa na pagaari diumano ng isang parak.

Sinabi ni Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, na nasakote ng mga miyembro ng Zamboanga City Public Safety Company sa pamumuno ni Insp. Sonny Amponin ang naturang lantsa habang nasa aktong idinidiskarga ang mga biga.

Lulan ng M/ L 1 Bai Nasra ang tinatayang 600 sako ng bigas ( 50 kilo bawat sako) at sa imbestigasyon ng pulisya ay nabatid na pagaari diumano ang lantsa ni SPO2 Monjel Aradais ng Alu Duyong sa bayan ng Lugus sa Sulu province.

Nakilala naman ang operator ng lantsa na si Ben Sarail ng Barangay Sinunuc dito.

Ayon kay Alabata, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may ibinabagsak na mga sako- sakong bigas ang lantsa sa Barangay Cawit kung kaya’t mabilis na nagtungo doon ang grupo ni Amponin.

“The vessel was docked on the area and its personnel were caught in the actual unloading of suspected smuggled rice. Immediate custody and control of the said vessel was made. It was loaded with more or less than 600 sacks of rice at 50 kilos each sack,” pahayag pa ni Alabata.

Ibibigay umano ang sa Bureau of Customs ang mga bigas. Hindi naman sinabi ni Alabata kung dinakip ba ang mga pahinante ng lantsa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.