Kampanya kontra smuggling pinaigting sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - ( Mindanao Examiner)

ZAMBOANGA CITY – Muling ipinag- utos ni Mayor Beng Climaco sa mga awtoridad ang puspusang pagbabantay sa Zamboanga City laban sa smuggling ng mga bigas at asukal at iba pang mga kontrabando matapos ng sunod- sunod na pagkakahuli sa mga ito sa ibat- ibang lugar ditto.

Kamakailan lamang ay nasakote ng Philippine Navy ang isang lantsa na may lulang 800 sako ng bigas at halos 100 mga karton ng sigarilyong Fort.

Ayon sa ulat ng Philippine Navy, nasa patrulya ang mga barko nito ng maispatan ang lantsa dikalayuan sa Santa Cruz Island. Agad na kinumpiska ng navy ang naturang kontrabando matapos na mabigo ang mga pahinante nito at kapitan na maipakita ang kanilang papeles. Tinatayang mahigit sa P2 milyon ang halaga ng kontrabando.

Iniimbestigahan na rin ang naturang crew upang mabatid kung saan galing ang lantsa, ngunit pinaniniwalaang nagmula ang mga bigas at sigarilyo sa Sabah sa Malaysia na ilang milya lamang ang layo sa Tawi- Tawi province na bahagi naman ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nakumpiska rin ng pulisya kamakailan ang 200 sako ng asukal sa isang pier dito matapos na may nagsumbong na sibilyan sa awtoridad na may dumaong na lantsa doon at isinakay sa truck ang mga kontrabando. Pinuri naman ni Climaco ang matagumpay na operasyon ng mga awtoridad.

Muling tumatakbo bilang mayor si Climaco sa darating na halalan at inaasahan ang landslide victory nito dahil sa magandang pamamalakad sa Zamboanga at maraming accomplishments sa kabila ng mga paninira sa kanya ng mga kalaban sa pulitika. Suportado rin si Climaco ng ibat- ibang sektor dito dahil sa pagiging tapat nito sa tungkulin at hindi corrupt.

Zamboanga City Mayor Beng Climaco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.