The Mindanao Examiner Regional Newspaper

HEALTH: Mag-BAWAS sa matatamis na inumin, Lalo na sa may Diabetes, Overweight at Sakit sa Puso

-

KUNG kayo po ay sobra sa timbang, may diabetes, may altapresyo­n o gusto maging healthy, sundin ang payo ko: Umiwas sa Iced Tea, soft drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. Malaki ang mababawas sa inyong timbang.

Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritan­g asukal. Kapag uminom kayo ng soft drinks, para ka na rin kumain ng 7 kutsaritan­g asukal! Ganoon din ang iced tea. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis!

Ayon sa siyentipik­ong pagsusuri, ang paginom ng soft drinks ay puwedeng maging sanhi ng diabetes. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan.

Kahit “No-sugar” o “Lite” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. Dahil ang diet soft drinks ay may halong phosphorou­s na nagtatangg­al ng calcium sa ating katawan. Puwede kang magka-osteoporos­is. Ang payo ko ay magtubig na lang.

Nakatataba ang delatang pineapple Juice at iba pa. Prutas (fresh fruits) na lang ang kainin.

Kung kayo’y may katabaan, ang payo ko ay umiwas din sa mga fruit juices. Orange juice, pineapple juice at kung anu-ano pang juices. Mataas ito sa calories at asukal kahit sabihin na “unsweetene­d” pa.

Hindi ko alam saan nanggaling ang paniniwala na maganda sa altapresyo­n ang paginom ng pineapple juice. Gamot, diyeta at exercise lang ang magpapabab­a ng blood pressure.

Anong prutas ang puwede sa mga nagpapapay­at? Mansanas, peras at konting saging lang ang puwede. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil sobra itong tamis. Kung gusto ng mangga, isang pisngi lang ang puwedeng kainin. Sa ubas ay 10 piraso lang ang pinakamara­mi.

Umiwas sa coffee at energy drinks

Walang mabuting makukuha sa mga coffee drinks. Lalo na kung may halo pang whipped cream, chocolate, at full cream milk. Alam n’yo ba na ang katumbas ng isang cappuccino with whipped cream ay tatlong platong kanin na!

Masama rin sa kalusugan ang mga energy drinks dahil mataas ito sa caffeine. Nakaka-addict ang caffeine at nakabibili­s pa ng tibok ng puso. Kung ika’y may altapresyo­n, bawal ang energy drinks. Puwedeng tumaas ang blood pressure mo.

Kaya kaibigan, tubig lang ang dapat inumin. Iwaksi mo na ang soft drinks at iced tea sa buhay mo. Papayat ka at makaiiwas ka pa sa maraming sakit!

 ??  ?? Dr. Willie T. Ong
Dr. Willie T. Ong

Newspapers in English

Newspapers from Philippines