The Mindanao Examiner Regional Newspaper

HEALTH: Kumain ng Almusal: Para Tumalino at Lumakas

-

AYON SA kasabihan, “Ang almusal ang pinakamaha­lagang pagkain natin sa buong araw.” Tama po itong paniniwala. Kahit alam kong marami sa atin ang hindi kumakain sa umaga, dapat pa rin natin ipaalala ang kahalagaha­n nito.

Ito ang mga benepisyo ng pagkain ng almusal:

1. Para lumakas – Parang kotse na kulang sa gasolina, ang ating katawan ay manghihina kapag wala tayong pagkain. Kailangan ng utak natin ang pagkain para gumana. Tandaan natin na halos 10 oras nang walang laman ang ating tiyan pagdating ng umaga. Kaya dapat lang na lagyan ng pagkain o enerhiya sa umaga.

2. Para tumalino ang bata – Ang mga batang kumakain ng almusal ay nakakakuha ng mas mataas na grado sa eskuwelaha­n kumpara sa mga batang gutom. Mas alerto, matalino, at mabilis sumagot ang mga batang busog, kumpara sa hindi nag-almusal. Bigyan lamang ng masustansy­ang almusal ang mga bata tulad ng itlog, gulay, isda, kanin, gatas, yogurt o cereals.

3. Para masigla sa trabaho – Tulad ng mga bata, ang mga matatandan­g hindi kumakain ng almusal ay hirap mag-concentrat­e o mag-focus sa trabaho. Pag dating ng alas-10 ng umaga ay parang balisa na sila. Wala nang sigla. Ito’y dahil naghahanap na ng pagkain ang katawan. Kaya para hindi aantok-antok at hindi mapagalita­n sa trabaho, kumain ng almusal.

4. Para hindi magkaulcer – Ang mga taong madalas malipasan sa pagkain ay maaaring magkaroon ng ulcer o pananakit ng tiyan. Para makaiwas dito, kailangan tayong kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Kumain ng 5 hanggang 6 na beses sa isang araw, pero konti lang. Mas hindi mahihirapa­n ang iyong tiyan sa pagtunaw nito at mapapanati­li pang tuloy-tuloy ang daloy ng lakas sa iyong katawan.

5. Hindi nakatataba ang pagkain ng almusal – May maling paniniwala na papayat ka kapag hindi ka nagalmusal. Sa katunayan, lalo ka pang tataba kapag hindi ka nagalmusal! Bakit po? Ang mga taong hindi nagalmusal ay mas gutom sa tanghalian, kaya siguradong mapaparami ang kanilang makakain. At mas kukuha ka ng sobrang daming kanin, ulam at panghimaga­s. Mahirap ding pumili ng masustansy­ang pagkain kapag gutom na gutom ka na.

Kaya tandaan: Kung gusto ninyong maging malusog at masigla ang iyong katawan, kumain ng masustansy­ang almusal. Napakahala­ga po nito.

 ??  ?? Dr. Willie T. Ong
Dr. Willie T. Ong

Newspapers in English

Newspapers from Philippines