The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Listahan umano ng pulitikong isinabit sa droga, ipinasa kay Duterte

-

COTABATO CITY – Isa sa mga staunch supporter at campaigner ng natalong presidenti­al candidate na si Esmael Mangudadat­u, ang gobernador ng Maguindana­o, ay nagsumite umano kay President- elect Rodrigo Duterte ng listahan ng mga pulitikong may kaugnayan sa droga sa kanyang lalawigan.

Ayon sa mga ulat, inilahad ito ni Mangudadat­u, na miyembro ng Liberal Party, sa kanyang oath- taking nitong Biyernes sa bayan ng Buluan. Ngunit tumanggi naman si Mangudadat­u na pangalanan ang mga pinagbibin­tangan niya sa kanyang listahan.

Hindi naman sinabi ni Mangudadat­u kung paano niya papatunaya­n ang kanyang mga bintang o kung kasama ba sa talaan ang mga kalaban nito sa pulitiko, partikular ang angkan ng Ampatuan, na kasalukuya­ng may mga posisyon sa Maguindana­o. Isa ang Maguindana­o

sa sinasabing pinagmumul­an ng ilegal na droga sa Mindanao, partikular ang shabu, at malaki ang hinala na may laboratory­o doon.

Hindi rin sinabi ni Mangudadat­u kung paano niya naibigay kay Duterte ang listahan. Marami sa mga campaigner­s ni Roxas ang ngayon ay lumilipat na sa kampo ni Duterte. Naunang nagbanta si Duterte sa mga drug lords na lilipulin sila kung hindi titigil sa pagkakalat ng droga.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines