The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Mining ops sa Tawi-tawi pinaiimbes­tigahan

-

TAWI-TAWI – Nais umano ng mga environmen­talists and ibat-ibang nongovernm­ental organizati­ons na nagsusulon­g ng proteksyon sa kalikasan na paimbestig­ahan at tuluyan ipatigil ang lahat ng nickel mining activities sa Tawitawi province.

Partikular umano ito sa munisipyo ng Languyan na kung saan ay talamak ang pagmimina doon at sa China ang bagsak ng lahat ng mga umano’y nickel na nakukuha sa nasabing lugar. At nabatid na malaking bahagi ng munisipyo ay nawasak na rin dahil sa nasabing pagmimina.

Nagbabala naman ang mga environmen­talists na posibleng lumala pa ang sitwasyon sa Languyan dahil sa patuloy na pagmimina doon.

Nanawagan ang mga ito kay Department of Environmen­t and Natural Resources Secretary Gina Lopez na agad magpunta sa Tawitawi upang makita ng personal ang pagkasira ng kalisakasa­n doon.

Mistulang may “smorgasboa­rd” umano ng nickel mining activities sa Languyan at maging ang munisipyo ng Panglima Sugala ay nangangani­b na rin. Nilalagare naman ng mga dambuhalan­g barges na nagkakarga ng mga pulang lupa linggo-linggo ang paghahakot doon.

Nais rin ng mga environmen­tal groups na pa-imbestigah­an ang mga taong nasa likod ng mga kumpanya ng nickel mining activities sa Tawi-tawi upang mabatid kung sino-sino ang mga ito at kung may mga pulitiko at kung sila ba ay nagbabayad ng tumpak na buwis sa pamahalaan.

Hindi naman agad makunan ng pahayag si Lopez ukol dito o kung nakarating na ba ito sa kanyang kaalaman. Naunang ipinag-utos ni Lopez ang audit sa lahat ng mining activities sa buong bansa.

 ??  ?? A Muslim man walks near a Moro Islamic Liberation Front checkpoint in Maguindana­o province in southern Philippine­s.
A Muslim man walks near a Moro Islamic Liberation Front checkpoint in Maguindana­o province in southern Philippine­s.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines