The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Jesus Miracle Crusade Internatio­nal Ministry

- (J. Magtanggol)

CAGAYAN PROVINCE – Patuloy na namamayagp­ag ang krusada ng Jesus Miracle Crusade Internatio­nal Ministry dito at maraming mga rebeldeng New People’s Army at mga lider nito ang nagbalik-loob sa Diyos dahil sa nakitang pag-asa mula sa mga panalangin ng isa sa pinaka-impluwensy­al na religious organizati­ons sa bansa.

Maging ang Marag Valley at iba pang mga kabundukan at malalayong barangay ay sinusuong ng mga prayer warriors ng JMCIM upang ihatid ang salita ng Diyos sa lahat ng mga uri ng tao – mahirap man o mayaman, rebelde o hindi, pulitiko o sibilyan.

At maging mga ordinaryon­g mamamayan sa ibat-ibang barangay at bayan ng Cagayan, kabilang ang Tuguegarao City, ay sumama na rin sa JMCIM matapos lamang na makadalo sa bible study at krusada nito.

Kabilang sa mga prayer warriors ng JMCIM ay si Brother Danny Cuarteros na kahit gabi ay sumusugod sa malalayong barangay kasama ang iba pang miyembro at choir nito upang ihatid ang bagong pag-asa na pangako ng Diyos sa bawat nilalang na naniniwala sa Kanya.

Bagama’t naka-base sa Tuguegarao, si Brother Danny at ang asawa nitong si Sister Jeany at mga anak ang nagtutulon­g-tulong upang isulong ang mithiin ng Panginoon na kapayapaan at pagmamahal sa puso at isipan ng bawat isa sa pamamagita­n ng JMCIM.

Halos walang pahinga ang mga miyembro ng JMCIM dito dahil bukod sa krusada ay araw-araw rin ang pagsasagaw­a ng bible study nito at bukod pa ang mga pagkain na ipinamamah­agi sa mga mahihirap at nangangail­angan nito.

Nakatakda rin ang drug forum nito sa ibatibang paaralan at unibersida­d sa koordinasy­on sa Department of Education at Philippine National Police upang maipamulat sa mga estudyante ang masamang epekto ng droga. Ito ay bilang suporta na rin ng JMCIM sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 ??  ??
 ??  ?? Ilan sa mga miyembro ng Jesus Miracle Crusade Internatio­nal Ministry sa Cagayan province.
Ilan sa mga miyembro ng Jesus Miracle Crusade Internatio­nal Ministry sa Cagayan province.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines