“Oplan Gugma” ng Jesus Miracle Crusade, patuloy sa Norte

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - Front Page - (Mindanao Examiner)

TUGUEGARAO CITY – Umabot sa libo-libong estudyante mula sa ibat-ibang paaralan sa Cagayan province ang nakilahok sa drug symposium na ikinasa ng Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) sa pakikipag-tulungan ng Department of Education (Deped) at ng Philippine National Police (PNP).

Tanging ang JMCIM ang binigyan ng Deped ng ekslusibong permiso na magsagawa ng drug symposium sa mga publikong paaralan at malaki ang naitulong ng maimpluwensyang apostolic church upang maipaliwanag sa mga estudyante – high school and kolehiyo – ang masamang epekto ng droga.

Binansagang “Oplan Gugma” (Operational Plan Pag-ibig), hindi lamang mga paaralan ang target ng JMCIM, ngunit maging mga komunidad sa malalayo at liblib na lugar at maging sa mga miyembro ng New People’s Army, at ng pulisya at militar, ayon pa kay Brother Danny Cuarteros, isa sa mga orihinal na prayer warriors na siyang nangunguna sa pagpapakalat ng salita ng Diyos.

Pinasalamatan rin ng Deped at PNP, at ng Philippine Army ang JMCIM sa pagtulong nito sa pamahalaang Duterte sa pamamagitan ng adbokasiya nito na Oplan Gugma.

Kaliwa’t-kanan rin ang krusada ng grupo ni Brother Cuarteros at malimit itong abutin ng madaling araw sa kanilang pag-uwi at kasama nito ang asawang si Sister Jeany at kanilang mga anak na miyembro rin ng JMCIM choir – partikular sa tuwing bumibisita sa Marag at Zinundungan Valley. At maging mga ilog at kabundukan ay sinusuong nito upang maisagawa ang misyon – ang kautusan ng Panginoon para sa kaligtasan ng sambayanan at kanyang mga nilalang.

Regular rin ang bible study at values transformation na isinasagawa nito sa mga kampo ng militar at pulisya. Marami na rin nasagip na kaluluwa ng mga taong lulon sa droga o naligaw ng landas si Brother Cuarteros matapos silang mabapstismuhan at tanggapin ang turo at salita ng Diyos.

Palaging sinasambit ni Brother Cuarteros ang mga turo sa kanya ni Pastor Wilde Estrada Almeda, ang founder ng JMCIM, na siya umanong nagsisilbing gabay sa bawat hakbang sa kanyang paglalakbay upang palaganapin ang mga salita ng Diyos.

Brother Danny Cuarteros, of Jesus Miracle Crusade.

Ilan lamang ito sa maraming aktibidad ng Jesus Miracle Crusade International Ministry sa Cagayan province.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.