Rebelyon sa Mindanao!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - Front Page -

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Pangulong Rodirgo Duterte na may rebelyon ngayon sa Mindanao at kabilang ito sa kanyang hinaharap na problema, bukod pa ang isyu ng malawakang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ilang ulit na rin nagbantasi Duterte na sususpindihin nito ang writ of habeas corpus kung magpapatuloy ang rebelyon sa magulong rehiyon sa katimugan. Ang suspension ng writ of habeas corpus ay magbibigay ng sapat na panahon sa mga awtoridad na imbestigahan ang mga suspek sa karahasan at terorismo.

Ngunit kinokontra naman ito ng ilang mga mambabatas at sinasabing walang sapat na dahilan si Duterte na suspindihin ang writ of habeas corpus. Maaari itong isuspindi ni Duterte dahil sa rebelyon o kung sakupin ng dayuhang bansa ang Pilipinas.

Patuloy sa kasaluyan ang operasyon ng militar kontra terorista sa katimugan at kamakailan lamang ay napatay ng mga sundalo sa North Cotabato ang isang kilabot na bomber na umano’y nasa likod ng maraming atake sa Central Mindanao.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang militar kaugnay sa kanilang operasyon dahil sa maselan umano ito at kinabibilangan ng iba’tibang units.

Ngunit ayon sa ilang sources sa 6th Infantry Division, kabilang sa target ng operasyon ang ang mga jihadist groups sa lalawigan ng Lanao del Sur at Sarangani, at ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na siyang nasa likod ng mga karahasan sa rehiyon, gayun rin ang Abu Sayyaf at mga Malaysian at Indonesian militants na kasama nito sa Tawi-tawi, Sulu at Basilan na pawing bahagi ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Naunang napaslang ng militar noong nakaraang linggo si Mohd Nor Hassan – alias Commander Kamarudin - na isang bomb expert umano ng BIFF. Napatay si Hassan matapos na umano’y manlaban sa mga sundalo ng ito ay matunton sa kanyang hideout sa Barangay Malamote sa bayan ng Matalam sa North Cotabato.

Nabatid na may pabuya itong P1.2 milyon mula sa pamahalaan at nagsanay umano sa paggagawa ng bomba sa ilalim ni Malaysian bomb expert Zulkipli bin Hir alias Marwan. Napatay si Marwan ng Special Action Force noong Enero 2015 sa loob ng kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao province. Ngunit pinatay rin ng MILF at BIFF ang 44 SAF commandos matapos silang mapaligiran doon.

Sinasabing ilang commander ng MILF ang nagbigay ng impormasyon sa militar ukol sa kinalalagyan ni Hassan upang makuha ang bounty nito. Tikom naman ang bibig ng liderato ng MILF at BIFF sa pagkakapatay kay Hassan.

President Rodrigo Duterte (Photo by Michael Rey Baniquet)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.