‘Ninja cops’ dumating na sa Basilan

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page - (Mindanao Examiner)

BASILAN – Umani ng ibatibang reaksyon ang pagdating ng mga binansagang “ninja cops” sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, matapos silang ipatapon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang parusa sa mga diumano’y kasalanan.

Dumating noong nakaraang linggo ang halos 5 dosenang parak na umano’y sangkot sa iba’tibang kaso at inaasahan na marami pa ang ipadadala sa magulong rehiyon.

Sakay ng isang Philippine Air Force cargo plane ang mga parak – na karamihan ay mula pa sa National Capital Region Police Office – ng sila ay lumapag dito at agad rin dinala sa Philippine Navy headquarters para sa deployment sa kalapit na lalawigan ng Basilan.

Mahigit sa 200 mga “ninja cops” ang ipinatapon ni Rodrigo Duterte sa Basilan, ngunit marami ang hindi sumama at posibleng matanggal sa serbisyo.

Sinabi naman ng pulisya na isang routine deployment lamang ito at normal sa hanay ng mga parak ang ma-destino sa ibang lugar. Marami rin ang masama ang loob sa pagkakatapon sa kanila sa Basilan.

Ang iba naman ay kinuwestyon ang desisyon ng liderato ng pulisya matapos nilang mabatid na marami sa mga orihinal na nasa listahan ni Duterte ang hindi napasama sa Basilan.

Naunang inalmahan ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang pagpapadala ng mga ito sa Basilan dahil baka makaimpluwensya umano ang mga “ninja cops” sa matitinong pulis. Sinabi ni Duterte na isasabak sa laban sa Abu Sayyaf ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.