Hindi namin isusuko ang aming mga armas, ibigay sa amin ang Bangsamoro homeland: MILF

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page - (Mindanao Examiner)

COTABATO CITY – Nanindigan ang Moro Islamic Liberation Front na hindi nito isusuko ang kanilang mga armas hanggang hindi nareresolba ang isyu ng Bangsamoro homeland na iginigiit nito sa pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Ghazali Jaafar, ang vice chairman ng rebeldeng grupo, na lumagda sa isang interim peace agreement sa nakaraang pamahalaan noon Marso 2014. Nanatili pa umanong “Islamic revolutionary government” ang MILF sa Mindanao hanggang hindi nagkakaroon ng formal peace accord ito sa pamahalaang Duterte.

Dapat umanong ibigay ng pamahalaan ang nararapat sa MILF at sa mga Muslim at ito ang Bangsamoro region na siyang ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ayon kay Jaafar, ngunit sinabi nito na hanggang ngayon ay bigo pa rin ang Kongreso na maipasa ang batas upang umusad na ito.

Continued from page 1

Pinipigilan ng mga mambatatas na may malalaking negosyo sa Mindanao at ARMM ang naturang batas dahil na rin sa kani-kanilang interest. Tanging pag-asa na lamang ng MILF ay ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang Bangsamoro homeland sa mga Muslim, ngunit federalism naman ang isinusulong ngayon ng pamahalaan.

“Everything has been said to the government, and we do not know what to say except give us our government,” ani pa ni Jaafar, na siyang chairman ng Bangsamaoro Commission, na siyang gagawa ng mga batas para sa Bangsamoro political entity.

Naunang ibinasura ng Kongreso ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain at maging ang Bangsamoro Basic Law dahil labag umano ito sa Konstitusyon. Unang nagbabala ang MILF na maraming mga miyembro nito ang nawawalan na ng pasensya at pag-asa sa kabiguan ng pamahalaan na ibigay ang nararapat sa mga Muslim.

Tutol naman ang Moro National Liberation Front sa ilalim ni Nur Misuari sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at MILF, at sinabing dapat unahin ng gobyerno ang peace agreement nito na nilagdaan noong Septyembre 1996.

Ang Mindanao ay nasa ilalim noon ng mga sultanato, ngunit sinakop ito ng mga Kristiyano hanggang sa maging menorya na lamang ang mga Muslim sa naturang rehiyon.

Agrarian reform beneficiaries from Tagum City in Davao del Norte province pelted the office of Lapanday Food Corporaton with rotten bananas in protest of the company's alleged refusal to distribute the 145-hectare land to them since 2015. They also called for the junking of Lapanday's onerous Agribusiness Ventures Agreement to take over the land intended for the agrarian reform beneficiaries who are part of the Kampuhan ng Magsasaka para sa Libreng Pamamahagi ng Lupa. (Kilab Multimedia photo for Mindanao Examiner)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.