Lake Lanao, escape route ng ISIS sa Marawi

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

MARAWI CITY – Malaki ang posibilidad na hindi lamang si Abu Sayyaf chieftain Isnilon Hapilon - na siya rin lider ng local na ISIS - ang nakatakas sa Marawi City matapos na mabisto ang lagusan ng mga ito sa Lake Lanao.

Ito ay matapos na maaresto ang isa umanong miyembro ng ISIS na siyang nagdadala ng mga armas at bala at naglilikas ng mga sugatan mula sa Marawi. Hindi naman binanggit ng militar ang pangalan ng nadakip, subali’t patunay lamang ito na butas ang inilatag na kordon ng militar sa kapaligiran ng Marawi.

Kinumpirma rin ito ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, ang spokesman ng 1st Infantry Division, at sinabi nito na sa Lake Lanao idinadaan ang mga bala at armas ng mga kalaban. Binansagan rin nitong “logistical and medical highway” ng ISIS ang Lake Lanao.

Hindi naman masabi ni Herrera kung bakit hindi ito agad nadiskubre ng militar sa kabila ng libolibong mga sundalo na ipinadala sa Marawi. “We found out that this man... is the one facilitating the entry of ammunition. He is also the person bringing wounded fighters from the main battle area toward the south of Lanao Lake. This is good news because we have now blocked this highwaym” ani Herrera.

Sinasabing daan-daan pang mga jihadist ang nasa Marawi at nakikipaglaban sa militar mula na lusubin nito ang lugar sa layunin makapagtayo ng isang lalawigan ng Islamic State. Iginigiit ng militar na halos 300 militants na ang kanilang napatay mula ng magsimula ang labanan nitong Mayo 23.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.