Sakit sa ulo ang trapiko sa Zambo, abusadong drivers

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News -

HALOS WALANG magawa ang mga awtoridad at City Government sa Zamboanga City sa talamak na paglabag sa batas-trapiko ng mga abusadong tsuper ng jeepney, tricycle at motorcycle riders.

Kaliwa’t-kanan ang mga paglabag nito sa batas, partikular ang mga tsuper na mahilig magcounter flow sa trapiko at mga jeepney na overloaded sa pasahero na kahit sa bubungan ay nakaupo.lalo na sa Barangay Lunzuran at sa mga biyahe sa east coast.

Hindi rin ito hinuhuli ng mga traffic enforcers kahit pa dumaan sa kanilang harapan ang mga ito. Peligro rin sa kalsada ang mga abusadong tsuper, lalo na ang mga jeepneys.

Noon nakaraang linggo lamang ay halos 2 dosenang pasahero ang nasaktan matapos na sumalpok sa puno ang isang pampasaherong jeep sa Lunzuran.

Lima sa mga pasahero ang isinugod sa pagamutan dahil sa tinamong mga pilay at sugat ng bumalandra ang jeep – na sinasabing overloaded – sa malaking puno ng Acacia. Ang plaka nitong DVL 119 ay wala rin bagong sticker ng pagkakarehistro at dilapidated na rin. Bumibiyahe ito mula Sevilla hanggang Lunzuran.

Alibi ng tsuper na nakilala lamang sa pangalang Joel na nawalan umano siya ng preno kung kaya’t sumalpok ang sasakyan sa puno.

Hinihinalang nagovertake ito o nag-counterflow habang mabilis ang sasakyan kung kaya’t bumangga ito sa puno.

Wala rin ginagawa ang Land Transportation Office ukol sa mga overloaded jeep at tricycle. Talamak rin ang mga pedicab sa highway, gayun ipinagbabawal ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.