Traffic control inutil sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Examiner) (Mindanao

ZAMBOANGA CITY – Tila inutile na ang pamahalaan ng Zamboanga at Land Transportation Office sa pagpapatupad sa batastrapiko dito sa kabila ng maraming mga paglabag sa kalye ng mga motorcycle riders at tsuper ng mga pampasaherong jeepney.

Maging ang Traffic Section ng lokal na pulisya ay wala rin magawa kontra motorista na lumalabag sa batas-trapiko. Talamak rin ang mga kolorum na jeepneys at tricycle dito.

Minsanan lamang rin ang kampanya ng LTO at ng pulisya sa mga lumalabag sa batas, partikular dito ang mga nagka-counter flow ng mga motorsiklo at tricylce at mga overloaded na jeepneys na maging ang bubungan ay puno ng pasahero.

Sa kabila ng pasulputsulpot na operasyon nito ay tila bulag naman ang mga awtoridad sa mga paglabag sa batas-trapiko. Hindi lamang peligro ang dulot nito sa mga pasahero kundi ang tahasang kawalan ng respeto ng mga tsuper sa naturang batas. Naunang idinahilan ni LTO regional director Aminola Abaton na kulang sila ng tauhan kung kaya’t hindi maaksyunan ang mga paglabag na ito.

Maging ang City Hall at ang Traffic Section ng pulisya at Highway Patrol Group ay wala rin aksyon sa matagal ng problema sa mga abusadong tsuper at ang walang-katapusang paglabag sa batas ng mga jeepney drivers.

Idinadahilan naman ng ibang mga opisyal na kakaunti lamang ang jeep na bumibiyahe or kaya ay madalang na ito sa gabi, partikular sa east coast ng Zamboanga, ngunit hindi naman nakasaad sa batas o maaaring gamitin dahilang ng overloaded jeeps.

Hanggang walang malagim na aksidente ng mga overloaded jeeps at patuloy ang paglabag ng batas sa trapiko sa Zamboanga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.