The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Ombudsman deputies, sinampahan ng reklamo

-

NAHAHARAP NGAYON SA REKLAMO sina Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang at Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman matapos na maghain ng reklamo laban sa kanila ang dalawang abogado at inakusahan sila ng betrayal of public trust at paglabag sa Civil Service Code.

Kaugnay ito sa pahayag diumano ni Carandang sa media ukol mga bank transactio­ns ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya. Sinabi rin ni Carandang ito sa panayam sa kanya ng ABS-CBN at nagmula umano ang mga records sa Anti-money Laundering Council (AMLC).

Ngunit mariing itinanggi ni AMLC na nagbigay ito ng anumang bank records ni Duterte sa Office of the Ombudsman. Pinagmumur­a rin ni Duterte si Carandang at Ombudsman Conchita Morales dahil sa pagiging “selective justice” ng mga ito at sa halip ay dapat

umanong pinagtuuna­n ng pansin ng tanggapin ang mga nakabinbin nitong reklamo mula pa sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino.

Kasong administra­tibo ang isinampang kaso nina Attorneys Manuelito Luna at Eligio Mallari sina Carandang at Elman at nakabatay umano ito sa graft and corruption. Lumabag umano ang mga ito sa rules and regulation­s ng Ombudsman sa kanilang pagiimbest­iga kay Duterte.

Dahil dito, sinabi naman ni Duterte na magbubuo ito ng komisyon upang imbestigah­an rin ang Office of the Ombudsman sa mga diumano’y katiwalian ng mga empleyado nito.

Ang imbestigas­yon ng Ombudsman ng mga financial transactio­n sa ibat-ibang banko ni Duterte at ng kanyang pamilya ay dahil na rin sa alegasyon ni Senator Antonio Trillanes IV na mayroong tagong-yaman ang mga ito.

Nag-inhibit na rin si Morales sa imbestigas­yon sa kadahilana­ng pamangkin nito ang abogadong si Manases Carpio na asawa naman ng anak ni Duterte na Davao City Mayor Sarah Carpio. Matatandaa­ng sinabi pa ni Carandang na base sa mga record mula sa AMLC, umabot diumano sa daan-daang milyong piso ang mga transaksyo­n sa mga banko ng pamilyang Duterte sa loob ng isang dekada – mula 2006 hanggang 2016. Ngunit nilinaw naman nito na ang salapi ay labasmasok sa mga banko kung kaya’t mahirap sabihin ang kabuuang halaga nito.

Ito rin ang pahayag ni Carandang sa ABSCBN. “'Yung billions kasi, baka in-add nila yung lahat ng transactio­ns, may P20 million, P20 million, P20 million, P60 million, pag in-add mo, aabot talaga ng billions, may P50 million, ang dami,” ani Carandang.

Dahil sa plunder complaint ni Trillanes laban sa Pangulo, pormal na hiniling ng Ombudsman sa AMLC na busisiin ang mga record sa banko ng pamilyang Duterte.

Matatandaa­ng naghain ng plunder complaint si Trillanes noon 2016 sa Ombudsman dahil sa alegasyon nitong may “ghost employees” ang Davao City Hall at ito ay base diumano sa Commission on Audit report na walang pruweba na mayroong 11,000 contractua­l employees na kinuha ang lokal na pamahalaan noon 2014. Ayon pa kay Trillanes ay umabot sa P700 milyon ang ginasyos ng Davao City government sa mga diumano’y contractua­l employees. Inakusahan pa ni Trillanes si Duterte ng hindi pagdedekla­ra sa kanyang Statement of Assets and Liability and Net Worth ng P11 milyon sa banko.

Ilang ulit naman itong itinanggi ni Duterte at sinabi nito na ang kanyang yaman ay mula sa mga minana sa kanyang magulang na halos P40 milyon lamang at hindi tulad ng akusasyon sa kanya ni Trillanes.

Sinabi naman ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella na walang itinatago ang Pangulo. Ilan beses na rin sinabi ni Duterte sa mga nagaakusa sa kanya na maglabas ng mga ebidensya at kung mayroong silang makita na kahit isa ay agad rin itong magbibitiw sa puwesto.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines