‘ LOOTING SA MARAWI’

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page - ( Mindanao Examiner)

DAVAO CITY – Pinaiimbestigan na ng militar ang pagkakasangkot ng mga tropa sa diumano’y pagnanakaw sa Marawi City na kung saan ay isang opisyal at 5 iba pang sundalo ang hinihinalang sabit dito. Sinabi rin ni Colonel going ang imbestigasyon Romeo Brawner, ng Joint at kung mapapatunayang Task Group Ranao, na on- nagkasala ay agad na sasampahan ng kasong administratibo ang mga ito.

Hindi naman inilabas ni Brawner at ng pamunuan ng militar ang mga pangalan at unit na kinabibilangan ng mga akusado sa mga looting. Agad rin umano ipinasauli ng kanilang commander ang mga ninakaw na mga bagay, kabilang dito ang mga alahas.

Nag- utos na rin ng isang masusing imbestigasyon si Defense Secretary Delfin Lorenzana at nangako itong parurusahan ang mga sundalo kung sila ay ma papa tuna yang nagkasala.

“We did not believe that before because at that time, we are at the height of the war. We told those who made the accusations that we will look into this. We are going to apply on them the full force of the law. It cannot be that you are the law enforcement agent. You’re the one who was supposed to protect them, and then you will loot them. It’s not good. So we will be going punish to them,” ani Lorenzana sa mga mamamahayag.

Kumalat rin sa social media, partikular sa ARMM Watch, isang public page sa Facebook, ang mga larawang kuha ng mga residente sa Marawi at Iligan na nagpapakita sa mga truck ng militar na may lulang mga washing machine, electric fan at maging mga silya, lamesa at play mat. Isang sundalo rin ang nakunan ng litrato na may suot na gintong kwintas at pulseras.

Umani rin ng matinding batikos ang mga larawan mula sa mga netizens.

Maging ang netizen na si Sake nA ya C. Ali ayn agiwan pang mens ah es a ARMM Watch para kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang kanyang isinulat sa pag- asang mababasa ito ng mga nakapaligid sa Pangulo: “President Duterte, may tanong po kami mga Maranao, di po ba galit ka sa taong magnanakaw? Bakit yon ibang kasundaluhan mo ay pinagbibintangan na magnanakaw? Nun pinapunta mo sila ng Marawi may dala ba silang mga mamahalin frame?

At may nakakapasok bang ibang tao sa not affected areas ng marawi maliban sa mga military? Bakit nanakawan ang mga bahay namin at parang dinahanan ng typhoons loob ng bahay namin at para bang may hinalungkat mga kagamitan namin at kung pwd lang sayo sir PRESIDENT Duterte, ipa- imbistiga mo ibang kasundaluhan mo ano ba talaga pinuntahan nila sa marawi? Sasakluluhan km o nakawin mga kagamitan namin sa bahay?”

“Isa pang katanungan namin mga taga- Marawi? Bakit bawal silipin ang mga bahay sa war zone? Na ngayon totally cleared na. Ikaw pa nga nag announced na LIBERATE na marawi sa kamay ng mga teroristang Abu Sayyaf at Maute. Naniniwala po kami na may maabutan mahahalagang kagamitan sa mga bahayan ng mga taga ground zero. Sana po makarating sayo mga hinahing namin mga civilians ng Marawi, nasiraan kami tapos mawawala lahatlahat sa amin. Hindi po namin kagustuhan ang nangyari sa lugar namin at sana mabigyan ng totoong investigation ang looting sa Marawi City dahil Filipino po kami, kaming lahat at proud kami na tagaMindanao ang PRESIDENT ng Philippines.”

Sa komentaryo naman ni So Layman at ito naman ang kanyang isinulat sa ARMM Watch: “We will never forget what you did to our belongings, it’s not an excuse for you to say it’s just a booty of war because AFP is never at war with the people of Marawi but with the Maute Group/ ISIS who are not constituents of our City.”

“Hero sana tingin namin sa inyo dahil tinaya ninyo buhay niyo para masugpo ang kasamaan but unfortunately you did most of the looting, almost all belongings in every house were gone, impossible naman na Maute/ ISIS ang gumawa niyan kasi wala silang sasakyan na pagkargahan ng mga yan. Kaya pala umabot ng 5 months ang gyera kasi hakot ( at) bomba ang ginawa ninyo. You forgot that the world is watching over your siege of our City. You disgraced our country, lagot kayo pagdating ng araw na iimbistigahan kayo. Nakakahiya kayo sa sambayanang Pilipino!”

Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga sundalo sa Marawi City sa larawang ito na inilabas ng Malakanyang.

( Photo by Kiwi Bulaclac)

President Rodrigo Duterte salutes to each of the troops who were preparing to leave at the Laguindingan Airport in Misamis Oriental.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.