'REVOULUTIONARY GOVERNEMENT'

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

HINDI UMANO susuportahan ng Armed Forces of the Philippines at at ng Department of National Defense ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang "revolutionary government" kung magpapatuloy ang banta ng destabilisasyon destabilisasyon ng mga katungali sa sa pulitika, banta ng mga rebelde, terorismo at pagpapatalsik sa kanya ng Central Intelligence Agency.

Ito ang sinigurado ni Vice President Leni Robredo matapos na makipag- pulong kamakailan kina AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero at Defense Secretary Delfin Lorenzana. Unang humingi ng security briefing si Robredo sa mga opisyal ukol sa sitwasyon sa Marawi City sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao na kung saan ay patuloy ang clearing operations ng militar matapos itong mabawi sa ISIS. Matapos ng briefing ay saka tinanong ni Robredo sina Guerrero at Lorenzana ukol sa banta ni Duterte na bubuwagin ang pamahalaan upang magbigay daan sa pagtatatag ng revolutionary government tulad ng ginawa noon ni Pangulong Corazon Aquino.

"Many thanks to officials of the AFP, led by its new chief of staff, Lt. Gen. Rey Guerrero, and Defense Sec. Delfin Lorenzana, for the security briefing they gave me at the headquarters of the Philippine Air Force in Pasay City. Our office requested for a briefing on the security situation in Marawi, as we look to assist in government efforts for communities affected by the clashes. Our AFP officials said they will continue to be on top of the situation, especially as we move toward rebuilding the city."

"Among other matters discussed, AFP chief Guerrero and Secretary Lorenzana also assured me that they will not support the rumored establishment of a revolutionary government," pahayag pa ni Robredo na isa sa mga kritiko ni Duterte sa kanyang all-out war kontra droga.

Hindi naman mabatid kung ano ang katayuan ni Philippine National Police Director-general Ronald dela Rosa ukol sa balak ni Duterte. Wala rin sinabi si Robredo kung nakausap na ba nito si Dela Rosa ukol sa kanyang katayuan sa isyu ng revolutionary government ni Duterte.

Kilalang malapit si Dela Rosa kay Duterte na siyang nagluklok sa kanya sa puwesto. Hindi rin nagbigay ng anumang pahayag si Duterte o sinuman sa kanyang mga kaalyado sa Kongreso at Senado sa sinabi nina Guerrero at Lorenzana kay Robredo.

“If I will declare a revolutionary government, arestado kayong lahat. Hindi ako nananakot. If I think you are about to take over the government, you destabilize the government, bantay kayo,” ani Duterte.

“Sige mag-demonstrate kayo, bring it to a point na talagang tatagilid ang gobyerno. Alam ng military isa sa mga active na magdestabilize is the communist. Do you think police and military will sympathize with you?”

“I was elected by the people. If I sense the country is about to go overboard, I will declare a revolutionary government. Hindi ko kayo tinatakot pero hulihin ko kayong lahat, and I will declare a full-scale war against the NPA,” wika pa ng Pangulo.

Inakusan pa nito si Lucio Tan na kabilang sa mga mayayamang nagnanais siyang patalsikin sa puwesto dahil sa paghahabol nito sa kanilang mga utang sa pamahalaan. Itinanggi ito ni Tan.

“Sabi nila kasi magbigay daw ng pera sa kalaban para i-destabilize ka. Sabi ko sige mag-destabilize ka, kapag nag-tilt itong bayan ang abutin niyo sa akin revolutionary government, only good for five years,” sambit pa ni Duterte sa pasaring nito sa mga mayayaman.

May nagsabi rin umano kay Duterte na maging ang CIA ay galit sa kanya dahil sa pagkiling nito sa China at Russia. “Mukhang galit ang CIA sa iyo. Gusto ka talagang yariin,” ani Duterte sa sinabi umano sa kanya, ngunit hindi naman nito pinangalanan kung sino ang source.

At hindi rin pinalampas ang news website na Rappler na ayon kay Duterte ay pinondohan ng CIA. Mariin rin itong itinanggi ng Rappler.

Sa kabila nito ay todosuporta naman ang publiko kay Duterte dahil malaki ang tiwala ng taong-bayan sa malinis at tapat na hangarin ng Pangulo para sa bansa. At karamihan ay naniniwalang interesado lamang si Robredo na makaupo agad bilang Pangulo. Si Robredo ay kabilang sa oposisyon. (Mindanao Examiner)

Vice President Leni Robredo with Defense Secretary Delfin Lorenza and Armed Forces Chief General Rey Leonardo Guerrero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.