The Mindanao Examiner Regional Newspaper

HEALTH: Trabaho Sa Gabi, May Epekto Sa Kalusugan

Payo ni Dr. Willie T. Ong

-

AYON SA pag-aaral, may posibleng masamang epekto sa kalusugan ang pag-trabaho sa gabi. Kasama rito ang mga call center agents, entertaine­rs, security guards at iba pa.

Kapag nabaligtad ang ating pagtulog, bababa ang lebel ng melatonin (isang mabuting kemikal) sa ating katawan. Napag-alaman na ang lebel ng melatonin ay naka-depende sa liwanag ng ating kapaligira­n. Tumataas ang lebel natin ng melatonin kapag madilim ang lugar at tulog tayo. Bumababa naman ang melatonin kapag may sikat ng araw o maliwanag ang ating paligid.

Ayon sa World Health Organizati­on, ang pagtrabaho sa gabi ay posibleng magdulot ng mga sakit tulad ng prostate cancer, breast cancer, katabaan at sakit sa puso. Para malunasan ang ganitong sitwasyon, mayroon akong mga payo:

1. Habang naka-duty sa gabi, bawasan ang liwanag sa iyong paligid. Babaan ang sinag ng computer. Puwede din gumamit ng yellow light sa kuwarto imbes na puting fluorescen­t light na napakaliwa­nag. Ito’y para huwag gaano bumaba ang melatonin natin sa katawan.

2. Bawiin na lang ang tulog sa araw. Subukang makatulog ng 7-8 oras para makabawi sa puyat. Mas maganda kung tuluy-tuloy ang tulog mo kaysa putolputol.

3. Ayusin ang iyong kuwarto na maging madilim. Lagyan ng madilim na kurtina o takip ang mga bintana. Ang lebel ng melatonin ay tumataas kapag madilim ang lugar.

4. Gumamit ng eye shades (pantakip sa mata) at ear plugs (pantakip sa tainga) para mabawasan ang liwanag at ingay sa paligid.

5. Piliting sumunod sa malinis na pamumuhay at kumain ng masustansy­a. Huwag manigarily­o o uminom ng alak. Sa ganitong paraan ay malalabana­n natin ang mga peligro na dulot ng pang-gabing trabaho.

6. Bilang panghuling payo: Kung kaya mong mabawasan ang duty sa gabi ay makatutulo­ng ito. Sa mga health workers ay bawat 3 araw ang duty nila sa gabi. Kapag nightshift ang duty mo bilang security guard ay baka puwede kang lumipat sa morning shift pagkaraan ng isang buwan. Posible din namang makahanap ka ng ibang trabaho balang araw. Good luck po.

 ??  ?? Dr. Willie T. Ong
Dr. Willie T. Ong

Newspapers in English

Newspapers from Philippines