The Mindanao Examiner Regional Newspaper

HEALTH: Sore Eyes: Sobrang Nakahahawa!

Payo ni Dr. Willie T. Ong

-

ALAM n’yo ba na nakahahawa ang sore eyes? Bawal humalik o makipagkam­ay sa taong may sore eyes. Ang mga gamit na tulad ng tuwalya, unan at salamin ay dapat hugasan din ng maigi. Kapag humawak ang isang may sore eyes sa pintuan, computer o refrigerat­or, puwedeng manatili doon ang bacteria at makahawa ng iba.

Ang tawag sa sore eyes ay Acute Conjunctiv­itis. Ang ibig sabihin ay may virus o bacteria ang mata. Ang pangkarani­wang bacteria ay ang Chlamydia at Staphyloco­ccus, ang kanilang mata.

Mapula at namamaga ang talukap ng mata ng may sore eyes. Minsan isang mata lang, pero mabilis mahawa ang kabilang mata. Puno rin ng muta at nana ang mga mata. Dahil makati ito, lagi itong pinupunasa­n, at tuloy ang kamay nila ay punong-puno ng mikrobyo ng sore eyes.

Paano Iiwas Sa Sore Eyes?

Ang sore eyes ay nanggagali­ng sa maduming kapaligira­n. Kapag hindi tayo naghugas ng kamay, puwedeng magka-sore eyes. Kapag makipagkam­ay tayo sa taong may sore eyes at mapunas mo sa iyong mata, siguradong magkaka-sore eyes ka rin.

Madalas ang sore eyes sa mga mag-aaral sa school. Mabilis magkahawah­an ang mga bata, kaya huwag munang papasukin sa school. Sa matatanda, huwag din munang magtrabaho sa opisina.

Simple lang ang pagiwas sa sore eyes.

1. Maghugas palagi ng kamay.

2. Huwag mag-share ng tuwalya at unan.

3. Huwag maligo sa swimming pool habang may sore eyes dahil puwedeng mahawa ang ibang naliligo.

4. Dapat maghugas din pagkatapos gumamit ng banyo. Kung walang tubig, gumamit na lang ng 70% alcohol.

Paano Ginagamot Ang Sore Eyes?

Kadalasan ay kusa namang gumagaling ang sore eyes pagkaraan ng 1 o 2 linggo. Ngunit mapapabili­s ang paggaling sa pagpatak ng mga anti-bacterial eye drops. May kamahalan lang ang mga eye drops na ito.

Maghilamos muna ng mukha at mata. Pagkatapos, ipatak ang Eye Drops sa bawat mata, 3 beses sa maghapon. Gawin ito ng 1 linggo hanggang gumaling.

At siyempre, kumonsulta muna sa inyong doktor o ophthalmol­ogist.

 ??  ?? Dr. Willie T. Ong
Dr. Willie T. Ong

Newspapers in English

Newspapers from Philippines