The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Bangsamoro fighters patuloy sa atake!

- (May ulat nina Moh Saaduddin at Rhoderick Beñez.)

SA KABILA ng pinaigting na martial law sa Mindanao ay wala pa rin habas sa atake ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at kaliwa’tkanan ang opensiba nito laban sa militar sa magulong rehiyon. Walang tigil ang atake ng BIFF - na kaalyado ng Islamic State – sa mga detachment­s ng militar sa lalawigan ng Maguindana­o sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, at sa North Cotabato, gayun rin sa Sultan Kudarat. At sa kabila ng malakas na puwersa ng pamahalaan ay bigo naman ito na mapigil ang opensiba ng rebeldeng grupo.

Kamakailan lamang ay ang niratrat iba’t-ibang ng mga detachment rebelde ng militar sa bayan ng Shariff Saydona at Datu Salibo at pinasabuga­n rin ang labas lamang ng 6th Infantry Division sa bayan ng Datu Odin Sinsuat – lahat ay sa magulong Maguindana­o, at gayun rin

sa mga bayan ng Pikit at Midsayap sa North Cotabato.

Sa kabila ng kaguluhan at walang humpay na operasyon naman ng militar laban sa BIFF ay patuloy rin na hinihimok ng militar ang mga rebelde na sumuko na lamang ng mapayapa at mamuhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ilang ulit na rin sinabi ni Major General Arnel dela Vega, commander ng 6th Infantry Division, na walang paroroonan ang pakikipagl­aban ng BIFF dahil sa malaking suporta ng publiko sa pamahalaan. “We encourage other members of the BIFF as this is a good opportunit­y for them to live a better life and eyeopener that the soldiers will not hurt them,” ani Dela vega.

Noong nakaraang linggo lamang ay 4 na BIFF ang sumuko sa pamahalaan at maging mga armas nila ay ibinigay rin sa militar at kabilang dito ang isang anti-tank rocket launcher, dalawang automatic rifles at isang Garand rifle.

Ang BIFF ay pinamumuna­n ng grupo nina Muhidden Animbang at Esmail Abdulmalik.

 ??  ?? Makikita sa larawan ang isang BIFF member. Patuloy ang BIFF sa atake sa Mindanao sa kabila ng pagkakaila­lim ng magulong rehiyon sa martial law. (Mark Navales)
Makikita sa larawan ang isang BIFF member. Patuloy ang BIFF sa atake sa Mindanao sa kabila ng pagkakaila­lim ng magulong rehiyon sa martial law. (Mark Navales)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines