The Mindanao Examiner Regional Newspaper
Popularidad ni Duterte bumagsak!
BUMAGSAK ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa nakalipas na dalawang taon ay patuloy rin ang pagsadsad nito, bagamat mataas pa rin ang tiwala sa kanya ng publiko.
Sa Second Quarter 2018 Social Weather Survey o SWS na isinagawa nitong Hunyo 27-30 ay nabatid na 65% ng mga mamamayan ay nasisiyahan o satisfied pa rin kay Duterte, ngunit 15% naman ang hindi makipag-desisyon o undecided sa ginagawa ng Pangulo at 20% naman ang dissatisfied sa performance nito bilang pinuno ng bansa. Kung ihahambing sa survey nitong nakaraang Marso, ang gross satisfaction kay Duterte ay bumagsak ng 5 puntos mula 70%; at 2 puntos naman ang mga undecided ngunit ang gross dissatisfaction ay tumaas naman ng 6 puntos, ayon pa sa paliwanag ng SWS. “Net satisfaction rating down in all areas,” pahayag pa ng SWS.
Continued from page 1
“This brings the President’s net satisfaction rating to a new personal low of +45 (% satisfied minus % dissatisfied), classified by SWS as good. This 11-point decline is down by one grade from the very good +56 (70% satisfied, 14% dissatisfied) in March 2018. It surpassed the previous personal low of good +48 in September 2017,” batay sa inilabas na ulat ng survey firm.
Sinabi pa ng SWS na ang 11-puntos na pagbaba ng net satisfaction rating ni Duterte mula Marso hanggang Hunyo nitong taon ay dahil sa 20 puntos na pagbagsak ng popularidad nito sa Metro Manila; 18 puntos sa Visayas, 6 puntos sa Luzon, at 6 puntos rin sa Mindanao na teritoryo naman ng Pangulo.
Lalo rin umanong bumagsak ang rating ni Duterte sa mga urban areas.
“Urban net satisfaction with the President fell by one grade from very good to good, at +38 (61% satisfied, 23% dissatisfied) in June 2018, down by 18 points from +56 (70% satisfied, 14% dissatisfied) in March 2018. However, rural net satisfaction stayed very good, at +52 (69% satisfied, 17% dissatisfied) in June 2018, although down by 4 points from +56 (69% satisfied, 13% dissatisfied) in March 2018,” ani ng SWS.
Bagsak rin ang kasikatan ng Pangulo sa masa o Class D, ngunit mataas naman sa Class ABC at E
“The President's net satisfaction rating fell by one grade from very good to good in class D or the masa, at +43 (63% satisfied, 21% dissatisfied, correctly rounded) in June 2018, down by 14 points from +57 (70% satisfied, 13% dissatisfied) in March 2018. However, it rose by one grade from good to very good in class E, at +52 (69% satisfied, 17% dissatisfied) in June 2018, up by 4 points from +48 (65% satisfied, 17% dissatisfied) in March 2018. It stayed very good in class ABC, at +66 (79% satisfied, 13% dissatisfied) in June 2018, up by 3 points from +63 (72% satisfied, 9% dissatisfied) in March 2018,” dagdag pa ng ulat mula sa SWS.
Bumalandra rin ang kasikatan ni Duterte sa mga kalalakihan at kababaihan at gayun rin sa lahat ng age groups maliban sa 18-24. At gayun rin sa hanay ng mga mag-aaral sa elementarya at high school.
Sinabi ng SWS na isinagawa nila ang face-toface survey sa 1,200 katao na 18 anyos pataas sa buong bansa at tig-300 katao sa Metro Manila, Balance Luzon,visayas, at Mindanao.
Agad rin sinabi ng SWS na ang naturang survey ay sarili nito. “The quarterly Social Weather Survey item on public satisfaction with the President is noncommissioned. It is included on SWS'S own initiative and released as a public service.”
Inilabas rin ng SWS ang mga katanungan nito sa nasabing survey at ito ang mga sumusunod: “Maaari po bang pakisabi ninyo kung gaano kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa pagganap ng tungkulin ni RODRIGO DUTERTE bilang Presidente ng Pilipinas.”
“Kayo ba ay lubos na nasisiyahan, medyo nasisiyahan, hindi tiyak kung nasisiyahan o hindi, medyo hindi nasisiyahan, lubos na hindi nasisiyahan, o wala pa kayong narinig o nabasa kahit na kailan tungkol kay RODRIGO DUTERTE?”
Ang survey ay inilabas matapos na pagmumurahin ni Duterte ang Diyos at ang pagtuligsa nito sa Simbahang Katolika, at ang pagdakip ng pulisya sa mga tambay sa utos na rin ng Pangulo. Dedma naman kay Duterte ang pagbulusok ng popularidad nito. “I do not care. Make it 15 (points). Wala na ako diyan. It does not interest me at all. I just coast along. Just travelling and with the new suggestion since I'm not popular anymore, Congress might decide to find a popular one. You want a popular president? Fine. Good,” ani Duterte ng tanungin ito ng mga mamamahayag ukol sa kanyang reaksyon sa SWS survey na inilabas noong nakaraang lingo lamang.