The Mindanao Examiner Regional Newspaper
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
MILF masaya sa pagkakapasa ng BBL
MASAYA ANG PAMUNUAN ng Moro Islamic Liberation Front matapos na pumasa sa bicameral committee ng Kongreso ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law na siyang gagabay sa isinusulong na awtomiya sa Mindanao.
Sinabi ni Mohagher Iqbal, ang pinuno ng MILF peace panel, na halos 90% ng orihinal na bersyon ng BBL na isinumite ng Bangsamoro Transition Commission ang naipasa sa Kongreso sa kabila ng pagtutol dito ng ilang mga mambabatas na may mga negosyo at
lupain sa rehiyon na mapapasailalim ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Agad rin nagpasalamat si Iqbal, na isa rin vice chairman ng MILF committee on information, sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsusulong nito sa BBL. “The MILF is extremely happy with the version of the law that will create a Bangsamoro entity to replace the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ani Iqbal.
Inaasahan naman na masisimulan sa lalong madaling panahon ang pagliligpit sa mga armas ng dating rebeldeng grupo, ngunit posibleng abutin pa ito ng ilang taon bago maipatupad. Bahagi rin ito ng probisyon sa interim peace deal na nilagdaan ng pamahalaan at MILF noong 2014.
Ipatutupad naman sa Nobyembre ang isang plebisito upang tuluyang maging batas ang BBL at maisama sa bagong rehiyon ang ibang lalawigan at barangay na nais mapaloob sa Bangsamoro homeland.
Struggle
Pinuri naman ni Rep. Amihilda Sangcopan, ng Anak Mindanao party-list, ang pagkakapasa sa BBL matapos ng isang linggong pagbabalangkas dito.
“Getting to the point where there actually is a BBL was not an easy fight—especially not for us Moro legislators who bore the moral obligations of true representation, to be their voices in this august chambers, more so, our forebears who sought in every arena possible to push for a peaceful and just resolution to almost half a century of struggle for self-determination. Bearing in mind what future Moro generations need, we have done to the utmost all we can to make sure that whatever the final form the BBL takes, Moros will have something better than the status quo that is the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ani Sangsopan.
“Collectively, it was a tedious journey, full of pains and learning. Words are not enough to describe the mental and emotional anguish of recalling past aches and bringing into open old wounds. This too, is part of the process of our struggle. This too, tested our wits and convictions as a people. This too will hopefully cement us as one people, paying homage to those who came before us and fought for the Moro’s best interests and aspirations, across our narrative, the story of how we came to be and where we are today. Without their sacrifices and their efforts, we would not be here, on the cusp of true autonomy for the Bangsamoro,” dagdag pa nito.
Salamat Pangulo
Nagpahayag rin ng kagalakan si Ghazali Jaafar, ang vice chairman ng MILF for political affairs, sa resulta ng deliberasyon ng Kongreso sa BBL.
“Una nagpapasalamat po tayo ng buong puso sa mahal nating Pangulo at pinanindigan niya ang commitments at pangako sa atin lahat at sa ilalim ng kanyang pamumuno, under his presidency, ay maisasakatuparan yun kahilingan ng mga Muslim at maraming tribo na maitayo ang Bangsamoro government,” ani Jaafar.
Kabilang sa ARMM ang lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao at Lanao del Sur; gayun rin ang lungsod ng Isabela at Marawi, subalit sa bagong rehiyon ay posibleng mapasama ang ilang mga barangay sa Cotabato City at 6 na bayan sa Lanao del Norte.
Islamic State
Sinigurado naman ni Jaafar na hindi magiging Islamic State ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mahigpit na ipatutupad ang demokrasyo dito.
“Unang-una, sa aking paningin ang pinakamahalagang bagay na dapat malaman ng mga kababayan natin sakop ng proposed Bangsamoro Government - at ng buong Pilipinas - na ito ay tatawaging Bangsamoro, in short, ay democratic government ito. Inclusive siya, everyone, ibig sabihin nasa mamamayan at ito’y kasama ang gobyerno, at ito po’y may demokrasya. Paiiralin at yung pagpili sa mga mamumuno ay according to democratic process, at yung mga mamumuno nito, they will not rule, but they will govern, at ito po ay hindi Islamic State, at may lugar po ang lahat, every individual non-muslims, IPS (indigenous peoples) and Christians can fully participate. Anyone who qualifies to run for political position, participated ng mamamayan, they can become officials ng Bangsamoro Government,” paliwanag pa ni Jaafar.
Parliament
Ipatutupad rin sa Bangsamoro autonomous region ang parliamentary form of government, ayon kay Jaafar at ito ay pamumunuan ng isang Chief Minister na may dalawang deputy Chief Ministers, at mayroon rin Speaker of the Parliament na kabibilangan ng Head Chairman at may mga reserved seat para sa mga kinatawan ng IP, Kristiyano, religious sectors, Kabataan at maging ang mga Sultan o royal families at hindi na rin sila kailangan sumailalim sa isang eleksyon. Nasa 80 ang magiging miyembro ng naturang parliament.
“Ang arrangement po, yun parliament is raised by the Moro Islamic Liberation Front, so in this case, we will recommend to our President kung sino yung gusto nating maging miyembro ng parliament, so ibig sabihin kung 80 ang members ng parliament, 40 or 41 ang magiging miyembro ng parliament that will be recommended by us and appointed by the President. Yung remaining 39 na miyembro ng parliament to make it 80, pipiliin po ito ng mahal nating Pangulo sa iba’t ibang probinsya na sakop nitong Bangsamoro Government, and another thing na sa palagay ko na kailangang malaman ng mamamayan, ay yung Bangsamoro Transition Authority, kapag nandiyan na yung batas, ay kailangan pong merong caretaker government, and yung caretaker government ay yung Bangsamoro Transition Authority.”
“It will be January or February 2019, uupo napo ang Bangsamoro Transition Authority at ang members nito will be appointed by the President at maliban dun sa 41 members that the MILF and the 39 that will be selected by the President, kasama po yung miyembro ng kasalukuyang Regional Legistrative Assembly ng ARMM, bilang miyembro in order to finish the terms ng panunungkulan ng miyembro ng Legislative Assembly ng ARMM and this will expire on June 30, 2019. Kung mag-eexpire na yun, aalis na sila bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority, at hindi na mae-extend ang kanilang membership,” wika pa ni Jaafar.
ARMM employees tagilid
Ngunit nanganganib naman ang libo-libong empleyado ng iba’t-ibang ahensya sa ARMM dahil kailangan nilang magapply muli ng trabaho, bagama’t sinabi ni Jaafar na ia-absorb muna pansamantala ang mga ito sa pagpasok ng bagong liderato sa Bangsamoro autonomous region.
“Tungkol don sa mga empleyado, teachers or guro, learned workers, ibig sabihin niyan ang mga doctor, mga nurses, at iba pa, mga social workers, will be absorbed. Hindi po sila gagalawin, mananatili sila sa kanilang position. Yung more or less 6,000 ay gradually aalisin sila sa kanilang mga position, but we assure everyone na ang gobyernong ito ay hindi magiging discriminatory, at inclusive ito to everyone, ibig sabihin yung qualified na empleyado, mag-apply po sila, at kung sila’y qualified they will be appointed by the appointing authority ng gobyernong yun at ito po ang more or less mangyayari,” sabi pa ni Jaafar.