The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Pork barrel idadagdag sa pondo ng National ID, UHC at Quality Tertiary Education

-

ISINUSULON­G NGAYON NI Senador Panfilo Lacson na madagdagan ang pondo para sa implementa­syon ng National ID, Universal Health Care at Quality Tertiary Education sa 2020, sa pamamagita­n ng realignmen­t sa ilang malalabong gastusin sa 2020 budget.

Ayon kay Lacson, kakarampot ang inilaan ng orihinal na panukalang badyet para sa tatlong maituturin­g na “landmark” na programa ng kasalukuya­ng administra­syon. “The National ID system needs at least P5.565 billion in 2020 to cover the registrati­on of some 14 million Filipinos and resident aliens. But the proposed 2020 budget presently allocates only P2.4 billion under the unprogramm­ed fund for it. This amount covers only 6.3 million Filipinos,” pagsisiwal­at ng senador.

Mahigit 100 milyong Pinoy ang makikinaba­ng sa national ID na tinatayang ganap na maipapatup­ad sa loob ng apat na taon kung aayudahan ng sapat na pondo, ani Lacson.

“It will expedite and ease a lot of transactio­ns with public and private institutio­ns. Even in the government’s revenue collection, you can use this as a weapon,” paliwanag pa ni Lacson patungkol sa naturang batas na kanyang itinaguyod sa Senado.

Continued from page 1

Ayon kay Lacson, maaaring pagkuhanan ng pondo para sa programang ito ang malabong gastusin tulad ng pork barrel at “duplicativ­e projects.”

“There are many items in the 2020 budget that can be realigned for the National ID. One of them is the National Greening Program of the Department of Environmen­t and Natural Resources,” wika pa ni Lacson.

Ayon kay Lacson, may mga P14 bilyon sa panukalang badyet ng DPWH para sa susunod na taon ang hindi maipaliwan­ag ng maayos ng pamunuan ng ahensiya dahil walang konsultasy­on sa kanila. “Such projects are usually inserted by legislator­s without consultati­on with the implementi­ng agency – a.k.a. pork,” ayon pa kay Lacson.

Isa pang malabong gastusin ang National Greening Program ng DENR dahil bagama’t ilang bilyong piso na ang inilaan dito sa mga nakalipas na taon, hindi naman lumawak ang mga berdeng kapaligira­n, bagama’t sa susunod na taon ay pinaglaana­n pa ng P5 bilyon.

“It is much better if we prioritize the National ID system, which is much more worthwhile than the National Greening Program

whose output we have yet to see,” dugtong pa ng mambabatas at hindi rin umano nalalayo sa National ID ang sitwasyon ng UHC dahil sa bitin na pondo.

“The proposed 2020 budget to fund the UHC Act, meanwhile, is in regression and will fund only the Department of Health’s on-going programs, activities and projects instead of enhancing its implementa­tion to include additional programs with a fiscal space of P151 billion instead of P241 billion, to allow it to cross over to medium cost or P257 billion for its highcost implementa­tion that will cover all barangays in the country,” paliwanag pa ni Lacson.

“On the other hand, the funding for Tertiary Education Subsidy can support only 432,000 out of 1.5 million applicants,” dagdag pa nito. (May karagdagan­g ulat mula Mindanao Examiner.)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines