The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Sahod ng gov’t nurses itataas na?

-

HUWAG LANG matabunan sa bicameral conference committee, mailalabas na sa susunod na taon ang umento sa mga government nurses.

Ito ay makaraang naipasok sa Senate version ng P4.1-trilyong 2020 national budget ang ipinaglaba­n ni Senador Panfilo Lacson na alokasyon para rito.

Sa ilalim ng probisyon sa Senate version ng pambansang badyet na “Increasing the Salary Grade of Government Nurses,” magiging Salary Grade 15 (P30,531) ang buwanang base pay ng government nurses, sang-ayon sa utos ng Korte Suprema.

“The implementa­tion of the salary adjustment shall take effect when the decision of the Supreme Court had become final and executory, but not earlier than the start of Fiscal Year 2020,” saad sa probisyon.

Isiniwalat ni Lacson sa kanyang interpelas­yon sa 2020 budget ng

Department of Health noong Nobyembre 19 ang pangangail­angan ng P3.173 bilyon para sa bagong salary grade ng government nurses.

Ayon kay Lacson, ang kakailanga­ning pondo para maipatupad ang utos ng Korte Suprema ay manggagali­ng sa inilaang pondo para sa staffing modificati­ons at upgrading of salaries.

“We can introduce a special provision and source the P3B from the P12.469B under that particular item (Miscellane­ous Personnel Benefit Fund). They don’t have to wait six months or another year. By January once we enact the GAA for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” ani Lacson.

Ngunit sa kabila nito, malabo naman ang kinabukasa­n ng mga nurses na nagta-trabaho sa mga pribadong ospital dahil mababa pa rin ang kanilang sweldo at mahaba ang oras ng duty.

At mas matindi sa mga lalawigan at lungsod sa Mindanao, at sa iba pang bahagi ng bansa dahil 12 oras ang trabaho ng mga nurses at karamihan umano ay katumbas lamang ng 8 oras ang kanilang sahod. Sa mga government hospitals naman ay palakasan rin bago makapasok ang isang nurse. (Mindanao Examiner)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines