The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Catamco namahagi ng tulong

- (Rhoderick Beñez)

KIDAPAWAN CITY – Todo ang pasasalama­t ng mga residente ng Makilala sa tulong na ipinamahag­i ni Governor Nancy Catamco bilang suporta sa mga biktima ng nakaraang lindol na ngayon ay nanatili pa rin sa mga relocation sites sa kalagitnaa­n ng coronaviru­s pandemic.

Mahigit sa P6 milyon ang naipamahag­i ni Catamco sa mga residente ng Barangay Luayon. Umabot sa 606 ang benepisyar­yo ng ayuda mula sa butihing gobernador­a. “Ang importante bisan hinay-hinay pero naay solusyon ang sitwasyon,” ani Catamco.

Sinabi naman ni Malasila Barangay Chairman Melvin Fortajada na lubhang napakaswer­te ng mga residente ng taga-luayon sa tulong na naigawad sa kanila ni Catamco.

Sa covered court ng Malasila isinagawa ang distribusy­on ng tulong sa mga benepisyar­yo na katanggap ng P10,000 bawat isa at ito ay liban pa sa mga tulong-pinansyal na matatangga­p ng mga biktima mula sa National Government.

Tiniyak naman ni Fortajada na ang lahat ay malugod nyang tinatangga­p bilang residente, kaugnay ito ng panukalang itatayong relocation site sa Malasila.

Nagpaalala naman si Catamco sa bawat isa na maging maingat at panatilihi­n ang physical distancing at sumunod sa health protocols at quarantine guidelines. “Dapat ay panatilihi­ng ang pag-iingat laban sa banta ng Covid-19. Lahat tayo ay biktima ng panahon, ngunit ang ating pagkakaisa ang syang solusyon,” wika nito.

Kasama ni Catamco sa aktibidad sina Mayor Armando Quibod at kanyang maybahay na si Conchita Quibod; Board Members Onofre Respicio at Dr. Philbert Malaluan, gayun rin sina Councilors Christine Ang-malaluan, William Apostol, at Teoderito Orbita.

Nagpapasal­amat si Catamco sa patuloy na pakikipagt­ulungan ng lokal na pamahalaan ng Makilala, kawani ng ibatibang ahensya ng provincial government.

 ?? (Rhoderick Beñez) ?? Si North Cotabato Gov. Nancy Catamco habang kausap ang mga residenten­g biktima ng nakalipas na lindol sa bayan ng Makilala sa larawang ito mula sa kanyang social media page.
(Rhoderick Beñez) Si North Cotabato Gov. Nancy Catamco habang kausap ang mga residenten­g biktima ng nakalipas na lindol sa bayan ng Makilala sa larawang ito mula sa kanyang social media page.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines