Droga pa rin!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

APAT NA taon na sa kanyang puwesto ang Pangulong Duterte ngunit droga pa rin ang pangunahin­g isyu nito sa kabila ng lumalalang sitwasyon - gutom at kawalan ng trabaho - sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic.

Sa kanyang televised speech kamakailan, sina- bi ni Duterte na hindi ito titigil sa kanyang pakikipagl­aban sa mga nagkakalat ng ilegal na droga sa bansa. Ito rin ang kanyang sinabi

matapos na manumpa bilang Pangulo noong 2016.

“Ang labanan lang ho dito ngayon is ‘yung droga. The policy remains. Wala akong iniiba. Basta ako pagka sinira mo ang Pilipinas, ang bayan ko, papatayin kita. Iyang sa human rights paulit-ulit akong sinasabi at sinasabi ko sa iyo, kayong mga durugista, aabutin talaga kayo ng suwerte ninyo. You know, hinihingi mo eh. Para kang nag-suicide. If you commit suicide, bakit ako ang ma-demanda? Ngayon kung papasok ka sa droga, gusto mo man mag-suicide. Eh kung mabaril ka ng pulis diyan pati militar, bakit mo ako sisihin na gusto mo mag-suicide? Ginusto mo eh. Pumasok ka ng droga, that is suicide. ‘Di ba? Iyan ang simple diyan,” ani Duterte.

“Ngayon kung gusto mong mag-suicide, huwag mong idemanda ‘yung pulis, idemanda mo ‘yung military, idemanda mo ako sa… Anong klase iyan? Paano ang pagka-presidente ko? Maging inutil ako. Kasi ang droga every day, for God’s sake, every day may droga araw-araw nahuhuli umaabot ng million. Million per million ‘yan every day. So I expect the itong mga droga na nahuli, the big haul, ayaw kong makakita ng bodega na may putang inang droga,” dagdag pa ng Pangulo.

Ito ay matapos ng kaliwa’t-kanang akusasyon laban kay Duterte sa isyu ng extrajudic­ial killings ng mga drug suspects at human rights violations sa nakalipas na apat na taon.

Muling nagpaalala si Duterte sa mga awtoridad na kailangan sirain ang mga nakumpiska­ng mga ilegal na droga sa pangambang baka ito manakaw.

“As I have said, I would direct my Secretary of Justice, si Secretary (Menardo) Guevarra to talk to the Supreme Court na magkuha lang ng sample, random. Kung nandiyan, ang inquest fiscal magkuha ng sample maski anong direction gusto niya. Tapos may test diyan mismo test na kaagad. And if it is confirmed three times — hindi lang isa, three times — ‘pag three times, sunugin na kaagad. And ‘yung samples na nakuha na na-certify ng fiscal, iyon na ‘yung ebidensya sa korte. Kasi ‘pag hindi, ang droga ninanakaw, nire-recycle. Pabalik-balik na lang tayo sa putang inang ito, walang katapusan,” giit pa ng Pangulo.

“So this has to end. Everything has an end. You want to end your life, you want to commit suicide, and have — you have to also help me end this. It’s — it’s a malaise thing, parang lagnat na naluya ang bayan natin. So ‘yan ang mensahe ko. At huwag mo akong takot-takotin iyang human rights diyan. Hindi ako natatakot diyan. Useless ‘yan. Sino — sinong nagpa-publish-publish kayo, ako? Kasi sabihin ko sa mga tao huwag na kayong magbasa. Hindi ako natatakot diyan. Anong sinasabi nila? Tama. Kung i-publish nilang ilang libro diyan? Tama. Tama ang ginagawa ninyo kasi ‘yon ang trabaho ninyo. Magkapera kayo, bayaran kayo, ‘yan ang trabaho mo,” ani Duterte.

Nitong mga nakalipas na pahayag, itinanggi ni Duterte na may kautusan ito sa pulisya at militar na patayin ang mga drug suspects.

Ayon sa mga human rights groups ay libo-libong drug suspects na ang napatay sa ilalim ng administra­syong Duterte, subalit itinanggi rin ito ng pulisya na siyang nangunguna sa kampanya kontra droga.

(PCOO)

President Rodrigo Duterte.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.